Wednesday, August 30, 2006

Ang Outfit Ni Jobert Sucaldito

Haller!!! Magandang tanghali pow!!!

I'm kinda sleepy and tired as of the moment. Kakakain ko lang kaya siguro medyo antok na rin ako. Kahapon medyo na-sad ako dahil hindi pa talaga kami nag-take ng actual calls. Karamihan sa amin ay nagte-take na ng calls except for Donna, Michie and I. I'm not happy coz I'm expecting to be on floor. Unfortunately, pinag-buddy muna kami sa mga tenured agents ng PayPal. Does it mean that I'm not good? Ewan ko ba, 'yun siguro talaga ang evaluation nila sa akin. Wala naman akong magagawa, I've failed the evaluation for role-play simulation. Sa ngayon hindi ko pa rin alam ang status ko dahil wala pang direktang statement from the training department. As of now, ine-enjoy ko na lang ang pakikipag-side jack sa mga agents. Yung unang agent na pinag-buddyhan ko ay si Don. I think he's cute but I can smell something fishy, bwahahahaha!!! Anyways, hindi ako masyadong natuto sa kanya, maybe because I'm just staring at him without absorbing the sense of the call. Speaking of something fishy, kumain pala kami nina Sage and Donna sa breakfast buffet sa Something Fishy. Nakakabusog grabe!!!

There's one thing I wanna share with this blog post. Nung bumili ako ng mga K Magazines sa Greenhills last Monday, bumili rin ako ng The Buzz magazine. Grabe, aliw na aliw ako kay Jobert Sucaldito. May article sa magazine about the celebration of DZMM's 20th anniversary. Isa siya sa mga showbiz insider ng radio station na 'yun. Natawa ako nang sobra nang ipakita ni Red yung picture n'ya na nakapang-girl. Nakaka-aliw talaga siya. Naka-yellow top siya and naka-pink floral na skirt with matching bolero. Ang haba pa ng hair n'ya. Wala lang, super nakakatuwa lang talaga siya. Small things matters a lot to me kaya shine-share ko lang sa inyo, hehehehe!!!

At dahil d'yan, bye bye na!

Monday, August 28, 2006

Bago Kong Cellphone

Magandang gabi po!

Shet! First day ko mamaya sa floor. This time, hindi na ako makakapagtanong masyado sa mga ambassadors, kailangan ko nang mag-consult sa help desk. I'm nervous, at the same time, excited!

Kanina, nagpasama ako kay Red sa Greenhills para bumili ng cellphone. Siya ang katulong kong makipag-tawaran sa mga tindera. Kahit anong bola ang gawin namin, ayaw pa rin talaga nilang babaan ang presyo kaya wala akong nagawa kung hindi makipag-deal na lang 'dun sa may pinakamagandang offer. Brand new ang kinuha ko dahil hindi ako komportable na bumili ng second hand. Sabi ni Red, hindi raw guaranteed na brand new yung makukuha ko pero dedma na lang ako. Ang model na nabili ko ay Nokia 3230. First time ko nga lang narinig ang model na 'to. Since limited lang ang budget ko, effect na din yun. At least may pang-text na ako ngayon, ang kulang ko na lang ay load. In fairness naman sa nabili kong cellphone, nakakatuwa siya dahil may radio siya and pwede din akong mag-store ng mga MP3, so kahit hindi na ako bumili ng iPod, effect na talaga siya. Ang nakakainis lang sa nabili ko ay gawa siya sa China. Kahit nabago na ang language setting n'ya from Chinese to English, may mga parts pa rin na Chinese characters ang nakasulat tulad ng 'dictionary' feature n'ya. Hallerrrr, paano ko naman kaya magagamit ang dictionary kung Chinese ang lumalabas, hindi naman ako si Coco Lee para maintindihan 'yun, hmmmph!

Nakabili rin ako kanina ng 3rd issue ng K Magazine ni Kris Aquino saka bumili na rin ako ng universal remote control dahil hindi na gumagana ang remote ng TV namin. Napaka-inconvenient kasi kapag nanonood ako ng TV, ang hirap maglipat ng channel kapag control panel lang sa TV ang pini-pindot. O sha, hanggang dito na lang muna dahil papasok na ako, nag-text na sa akin si Donna, unfortunately, wala akong load kaya hindi ko siya ma-replyan. Ciao!

Sunday, August 27, 2006

Will I Survive?

Good morning!!!

Kakakausap ko lang kay Red sa phone dahil may plano kaming umalis later. Sa wakas at rest day ko na rin. I'm happy because even though I know that I'm one of the weakest link among the trainees, I was able to pass! Hooray!!! We all passed the final evaluation. Actually, kanina nung nagha-handle kami ng mga calls, sobrang dadali ng mga transaction ko. Karamihan ng calls ay less than 10 minutes lang, pero nung time na ine-evaluate na ako, halos abutin ako ng isang oras. Isa sa mga training manager ang nakinig sa call ko, mabuti na lang, nasa kalagitnaan na ako ng call. Ang concern ng customer ay tungkol sa pagbabayad n'ya sa eBay item na napanalunan n'ya sa isang auction pero hindi n'ya alam kung paano kaya tinuruan ko siya. Ang problema sa customer ko, hindi siya marunong gumamit ng internet at hindi rin n'ya alam ang mga simpleng term tulad ng 'browser', 'domain' at kung anu-ano pa, para tuloy akong nagsasabi ng mga jargon sa customer. Halos naiiyak na nga yung customer ko dahil sobrang frustrated na siya kaya wala kaming nagawa kung hindi i-transfer siya sa escalation. Hay nako, mabuti naman at walang pangit na feedback yung nag-evaluate and sobrang apology naman ang binigay ko sa customer dahil hindi ko talaga ma-resolve yung problem n'ya. Halos abutin na ako ng isang oras sa call na yun.

After that, nag-lunch kami. Nilibre kami ng mga trainors namen. I know it's SITEL's expense, sabi nila, since ready na kami mag-floor by tomorrow, nag-treat sila. Nilibre nila kami sa Something Fishy, yung breakfast buffet nila dun. Pagbalik namin sa station, si Tin naman ang nag-evaluate sa akin. Madali lang ang call, all about password recovery pero may part na nahirapan ako dahil mali yung pagkakaintindi ko sa article sa KBase. Bakit kaya ganun??? Everytime na pakikinggan nila yung call ko, lagi akong may sablay. Malas talaga, hmmmmphhh!!! Anyways, tapos na naman ang lahat. Ready na kami mag-floor. Hati kami sa dalawang team. Dalawa lang ang ka-team ko, sina Sage and Donna, and the rest magkaka-team na silang lahat. I dunno why! Dahil ba kami ang weakest link??? Well, ewan ko ba. Magaling naman si Sage. Ang schedule ko ay 2AM-11AM. Not bad! At least hindi na ako male-late dahil wala naman traffic ng madaling araw. Ang rest day ko naman ay Sunday and Monday. Okay na rin yun dahil free ako ng Saturday night. Bago kami umuwi, nagkaroon kami ng short discussion with Martin Anastacio and Donna Sales, they're the big bosses of PayPal. Martin used to work with C3 kaya familiar ang face n'ya, about Donna, mukha siyang lasing habang nagsasalita! Bwahahahahahaha!!! Peace tayo 'mam!

Pagkatapos ng training namin, nag-inuman kami sa Sizzling ek ek sa may Monark. Kasama namin ang mga trainors and ambassadors except for Jam. Grabe nalasing si Donna Martin (my batchmate) at sobrang naglabas siya ng kanyang sama ng loob. Napaiyak pa nga siya eh. Well, halos lahat naman 'ata kami ay may kanya-kanyang sentiments pero syempre silent na lang ako baka magka-personalan pa. Haaayyy, makakahinga na ako ngayon dahil naka-survive ako sa training. Ang tanong na lang ay, will I survive PayPal??? O sha! I'm so happy dahil makakagala ako later. Byers!!!

Friday, August 25, 2006

Thoughts About Raymond Gutierrez

Good morning!!!

I'm so sick of Jigz! I'm so tired listening to his very annoying statements. His approach is very harsh for most of us. No wonder why most of the agents would rather stay home than attending his class, hmmmmph!!! Chris, Dennis and Mon are planning to resign. Valerie already served her resignation last night. I am not sure up to when can I survive this. There are lots of nice people within the account like the ambassadors Brian, Tin and Jei.

Well, that's enough. I just wanna share my sweet thoughts, not the bitter ones. I think that Raymond Gutierrez is cute! I know he's gay and I don't care. I really think he's cute. I saw the new Bench billboard along EDSA. He posed along with his twin brother Richard who's more popular than him. He's very charming indeed and more often than not, people won't see this charm in him. During his first appearances on the television, never have I expected that I'll be admiring him because he's sooo gay! But now, oh men, he rocks my world. Etchoza!!!

Wow!

Thursday, August 24, 2006

11 Minutes & 6 Seconds AHT

Good morning. Grabe, talagang parang nasa totoong trabaho na kami. Sumasagot na kami ng mga actual calls one by one and kailangan pa naming i-maintain ang average handling time or AHT. Aside from that, hindi na rin kami masyadong makapagtanong sa mga ambassadors. They would let us call help desk or search on KBase. Serious mode na 'to!!!

Well, regarding sa pagka-inis ko kay Jigz, hindi lang naman pala ako ang naiinis, marami pa. We share same sentiments and I don't want to name names, baka mabasa pa 'to ni Jigz. Tomorrow, hindi lang kami sasagot ng calls, i-a-assess na rin kami ng mga ambassadors. Makikiside-jack sila and i-e-evaluate nila ang call namin. Kanina naka 19 calls ako and yung AHT ko ay tumataginting na 11 minutes and 6 seconds. Ang required na AHT ay around 7 minutes. Grabe nga si Steph kanina, naka-28 calls siya and ang AHT n'ya ay around 5 minutes lang! Career kung career si Steph!!!

Sha nga pala, wala na pala si Marru sa training namin. Last Friday namin siya huling nakasama. Ang dami agad nawala, training pa lang, paano na kaya 'pag nasa floor na talaga kami. For now, hindi pa malinaw sa akin kung magtatagal pa ako d'yan sa PayPal. Sana lang mas maraming nice na tao kaysa sa mga epal.
Byers!

Wednesday, August 23, 2006

Release Call

Magandang tanghali!

Hindi pa ako natutulog pakshet!!! Antok na antok na ako pero sige pa rin sa pag-post sa blog bwahahahahaha!!!

Kanina sa work, phone mentoring pa rin kami. Partner ko pa rin si Rhine and ang ambassador na nag-a-assist sa amin ay si Jay pa rin. So far, okay naman na ako sa pagha-handle ng calls. Medyo relaxed and easy na. Hindi na ako masyadong natataranta since hindi naman kami tinutukan ni Jigz. Sa totoo lang, mukhang maraming naiinis na kay Jigz dahil may pagkamayabang na ang dating n'ya. I used to like him as a trainor pero ngayon, ewan ko ba. Ayoko na sa kanya. Sorry na lang.

Grabe, ang dami ko kaninang nagawa. First time kong mag-consult sa ibang department and first time ko rin makapag-release ng call, accidentally. Mabuti nga at si Jay ang nandoon nung na-release ko yung call, hindi ko lang alam kung anong magiging reaction ni Jigz if ever na s'ya yung nandon. Hay nako, enough of him. Hindi ko hahayaang sirain n'ya ang araw ko, hmmmmmph!!! Etchozzzaaa!!!

O sha, antok na antok na talaga ako kaya paalam na.

Tuesday, August 22, 2006

Telechika

Hallerrr!!!

Walang magawa! Papasok na naman ako mamaya, kainis! Tinatamad na akong pumasok, hmmmmph! Rest day ko kahapon dahil kay Ninoy, it's holiday.

What's new? Ang dami kong friends na nakausap ko sa phone the past three days, sina Dolly, Janice and Red. Ano nga bang pinag-usapan namin? With Dolly, tinawagan ko siya nung Sunday para sana manood ng volleyball kaya lang nalaman ko na nasa hospital pala ang mommy n'ya kaya it's not a good timing. Magkikita dapat kami that day pero nakatulugan ko na siya, sorry. With Janice naman, pinag-usapan namin yung referral fee na makukuha n'ya sa pag-refer n'ya sa akin, share kami, 50-50. Sinabi rin ni Janice na free siya sa Saturday kaya pwede kaming umalis kasama mga forumers. Ewan ko lang kung matutuloy dahil may pasok pa ako ng Saturday night, bad timing again. With Red, syempre, chikahan about forum at nagpa-plano kung saan ang susunod na lakad naming magkakaforum. Actually bago ako mag-online ngayon, kakakausap ko lang kay Red. Sha nga pala, nakalimutan kong i-mention si Badette. Tumawag siya kanina sa akin dahil concerned lang siya sa akin. Kung ano man 'yon, amin-amin na lang, hehehehe!!!

Ano nga bang nagawa ko nung rest day ko? Wala naman masyado. Nakagawa ako ng apat pang video presentation. Ang mga tracks na ginamit ko sa Moviemaker ay "All The Years" by Carol Banawa, actually ginawa ko rin yung Tagalog version which is "Noon At Ngayon". Meron 'ding "Abot Kamay" by Orange And Lemons which is very cute dahil karamihan ng nasa video ay love teams sa ABS. Gumawa rin ako ng video ni Veron, "I'll Remember" by Madonna and para kay Maxene ay "I Know" by Yasmien Kurdi dahil siya ay super sweet.

Saturday, August 19, 2006

3 Years Na Sana

Good evening!!!

It's Saturday night and finally, rest day ko na!!! Three days akong magpapahinga from work, ng sarap!!!

Bago ako matulog kanina, ka-text ko si Mirasol. She's sooo nice. I've told her na hindi ako masyadong nag-eenjoy sa new work ko, lalo na nung nakita ko ang work station nila, ang tahimik! Hindi naman dahil sa mga tao, siguro sobrang higpit lang doon. Nasanay ako sa masayang environment kaya hinahanap-hanap ko. Basta advice sa akin ni Mirasol, kung saan daw ako masaya, dun ako. Does it mean na kailangan ko nang mag-resign??? Hehehehe...bahala na.

Since August 19 ngayon, kung hindi ako nag-resign sa C3, three years na sana ako doon. Happy 3rd Anniversary sa lahat ng ka-batch ko! So far, ang natitira na lang doon ay sina Jepoy at Lindsey. Sila ang mga solid ABS hehehe. Well, nakakamiss talaga ABS. It's simply the best.

Friday, August 18, 2006

Felix Luna

Hallerrrr!!!!

Thank God it's Friday! Last na pasok ko na naman for this week. Long weekend, wala kaming pasok ng Monday dahil kay Ninoy kaya medyo mahaba ang pahinga ko. Haaayyy sa wakas, I can finally breathe fresh air, charoz!!!

Phone mentoring pa rin kami pero kanina, hindi lang kami nakinig ng call, sumagot din kami. Dalawa nga 'yung sinagot ko eh. Yung first call ko, ang name ng customer ko ay Felix Luna, he sounds Filipino. Actually mami-miss ko ang mga Filipino customers dahil karamihan ng kausap ko dati ay mga Pinoy and this time, majority ay American na. Hindi ko siya na-assist dahil restricted yung account n'ya kaya tinransfer ko siya sa Resolutions Department. Yung next caller ko naman ay si Mr.Ernst. 'Di ko maalala last name n'ya. This time, medyo madali ang concern n'ya kaya hindi ako nahirapan. It's all about instant transfer.

After ng shift, natulog muna ako sa sleeping quarters sa 26th floor. Hindi maganda ang sleeping quarters nila unlike sa HTMT na malaki at malamig. Juice ko, 'dun sa SITEL, ang liit ng space at napaka-init pa. Sobrang lakas pang humilik ng katapat kong kama.

Around 10AM, gumising na ako at nagpunta na ako sa HTMT para kuhanin ang back pay ko. Sobra ako bad trip. Napaka-liit ng back pay ko. Tamang-tama lang pambili ng cellphone. Kainis!!! Bitter ako sa nakuha ko! Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang ganoong computation pero sa tingin ko, mas malaki dapat ang nakuha ko since halos 3 years akong nag-work sa company. Haaaayyy nako, leche talaga, hmmmmmphhh!!!

Well, anyways, my natuklasan din ako kanina nung nagpunta akong HTMT. Nalaman ko kay Oliver na ikakasal ngayon si Mam Elena. Haaayyy grabe! Parang gusto kong umiyak dahil natutuwa ako para sa kanya. Imagine, ang tagal na rin n'ya sa ABS and siguro naman, it's about time para magpakaligaya siya. Congratulations na lang kay Mam Elena, pero siyempre, secret lang pala 'to. Kaya kung may taga-ABS na makakabasa nito, please don't tell her na nabasa n'yo dito, ok???

O sha, aalis na ako at may pasok pa ako ng 9PM mamaya. Byers!

Thursday, August 17, 2006

My First Month With SITEL

Magandang tanghali!

Oh my ghost! Pagod na pagod ako!!! Ang sakit sakit ng mga paa ko. Kakarating ko lang ng bahay dahil after ko mag-out from work, nagpunta ako sa HTMT or C3 para kuhanin sana ang back pay ko. Unfortunately, wala pa yung tao na magre-release ng mga cheques. Hay nako, kainis talaga! Imagine, out na ako ng 6AM and nagpunta ako ng 7AM sa C3 then naghintay mag-9AM tapos wala pa pala yung tao dahil around 11AM pa raw ang dating. Ano bang klaseng opisina yan??? Wala naman specific time sa pag-claim ng mga tseke. Basta ang alam ko, Thursday and Friday lang sila nagre-release 'nun. Hindi ko na lang hinintay.

Sumabay na ako kay Alhen pauwi. Kumain muna kami sa Wendy's at nag-chikahan. Grabe, isang large Frosty at dalawang Chili Rice yung inorder ko. Masarap pala 'yun. Ngayon lang ako nakakain ng Chili Rice. Yummy! Nung nasa Wendy's na kami, tinanong sa akin ni Alhen kung gaano na ako katagal sa SITEL, binilang ko, and na-realize ko na one month na pala ako, July 17 nag-start ang training namin and today is August 17. Nakaka-one month na pala ako! Congratulations to me and my batch!!!

Within one month, ang dami ko na ring na-accomplish, English Skills Training, Agent Skills Training, Product Training, Email mentoring at sa ngayon, nasa Phone mentoring na kami. Kanina nga, from 26th floor, bumaba na kami sa 25th floor kung saan naka-locate ang station ng PayPal sa Cybermall. Haaay grabe talaga, sobrang tahimik ang floor, parang walang nagsasalita. Ang laki ng difference sa atmosphere. Iba pa rin talaga sa C3, lalung-lalo na sa ABS-CBNi Station. Ngayon ko lang din na-realize na dalawang monitor pala talaga ang kailangan namin sa station sa sobrang dami ng dapat naming buksan like KBase, Admin Tools, staging account, Web Kana at kung anik-anik pa!

Kahapon pala, nakapag-apply na ako ng DSL sa Bayantel and next week na siya ikakabit. Excited na ako!!! Sa wakas, makakapag-upload na rin ako ng mga videos na ginawa ko sa Moviemaker. Sha nga pala, mga friends, pwede n'yo na akong i-text, pinagawa ko na rin yung keypad ng cellphone ko at bumili ako ng bagong battery kaya medyo naubos ang aking limpak limpak na kayamanan, etchozaaaa!!! Basta, kapag malaki-laki ang back pay ko, bibili na lang ako ng magandang cellphone.

O sha, aalis na ako at kailangan ko pang tawagan yung nagre-release ng mga back pay. Byers!!!

Wednesday, August 16, 2006

My New Headset

Ola!!! Buenos dias!!! Como esta???

Grabe ang email mentoring namin kanina, kanya-kanya na ang pagre-reply sa email. Ang hirap pala 'nun. Mukhang madali lang siya dahil karamihan ng sagot ay nasa KBase na pero mahirap pa rin dahil maraming article sa KBase ang pwede mong gawing sagot kaya lang, you'd have to decide kung ano ang pinakamalapit na answer based on the customer's question. Ewan ko ba, wala naman sa contract namin 'yang email support na 'yan, well... mukhang wala na kaming magagawa, and'yan na 'yan eh. Basta, sobrang sumakit ang mata ko sa kakatingin sa monitor and of course, sumakit din ang ulo ko sa kakaisip at kakaintindi sa mga wrong grammar, wrong spelling at mga unorganized ideas ng mga customer, hmmmmph!!!

Anyways, nakuha ko na rin kanina 'yung headset ko. Ang tatak n'ya ay Sennheiser, never heard! Ang alam ko lang na brand ng headset ay Plantronics. San ba nakuha ng SITEL yan??? In fairness ang mahal din n'ya. Biruin mo, kapag nawala ng agent yung headset, kailangan n'yang magbayad ng Php5,750.00. Ibang-iba sa C3. Sa C3 nga kapag nawala, dedma lang sila, nagpo-provide agad ng panibago. Yung headset na nakuha ko ay mukhang luma. Nag-compare kasi kami kanina nina Dennis and Mon. Yung sa kanila, may kasamang black bag kung saan ilalagay mo yung headset at hindi lang 'yon, may parang rainbow tag pa yung sa kanila, samantalang yung sa akin ay wala. Luma nga siguro 'yung binigay nila sa akin, kainis!

Sa ngayon, nakikinig ako ng 'Get Into The Groove' ni Madonna tapos kakapanood ko lang ng movie ni Roderick Paulate, they're both about the 80's. Hindi ko na tinapos yung movie sa CinemaOne pero sobrang nakakatawa talaga si Roderick. Grabe, mas nakakatuwa pa rin talaga yung mga movies noong late 80's. Yun ang time na sobrang 'in' ang mga comedy movies nila Maricel Soriano, Roderick Paulate and Manilyn Reynes. Haaayyy, those were the days! Charoz!!! Hindi ko alam kung ano ang title ng movie ni Roderick na 'yun, basta yun yung movie na kambal sila. Yung bading na Roderick, nagiging si Rita Avila and yung macho na Roderick ay nagiging si Jestoni Alarcon kapag uminom sila ng magic potion. 'Yun ba yung 'Bala at Lipstick'??? Did I get it right? Ang naaalala ko lang ay yung mga names nilang kambal, si Kiko at Kikay. Ewan ko ba, super talagang nakakatawa si Roderick, ang galing n'yang comedian. Siguro, kung may binebenta na video collection ni Roderick, bibilhin ko 'yun. Grabe, sobrang nakakaaliw siya in fairness.

O sha, mukhang medyo mahaba-haba ang nai-type ko ngayon. Baka umalis pa ako mamaya dahil mag-aapply sana ako ng DSL sa Bayantel and gusto ko rin mag-open ng BPI Express para may savings naman ako kada payday. Ciao!!!

Tuesday, August 15, 2006

Monday Sickness

Hay nako, sobrang tinatamad talaga akong pumasok kagabi. Feeling ko ay bitin ang dalawang rest day na magkasunod. Kung sa bagay, late na ako umuwi nung Saturday dahil nag-inuman kami sa Brown Paper Bag and umalis nga naman ako nung Sunday dahil nanood ako ng volleyball. Parang nasanay na 'ata ako sa previous work ko, yung tipong naging hobby ko na ang mag-sakit-sakitan every week. Monday sickness as we call it.

Hanggang kailan kaya yung schedule namin na 9PM-6AM??? Medyo nagsasawa na rin ako. Wish ko lang ay medyo late na ang pasok, let's say around 11PM. Sana ganun na lang. Kung 9PM kasi, hindi na ako nakakapanood ng mga favorite shows ko sa TV and yung uwi ay masyadong maaga. Gusto ko sana yung tipong mga 8 or 9 in the morning ang uwi para maabutan ko ang office hours para makuha ko na ang back pay ko sa C3. How I wish na magkatotoo 'to!
Kanina, hindi naging boring ang shift dahil puro e-mail mentoring lang kami. Hindi naman siya ganoon kahirap pero medyo nakakalito yung ibang cases. May mga cases na aakalain mong dapat i-route sa ibang department, ayun pala, kailangan mong mag-reply. Meron namang mga cases na sa unang tingin mo ay sobrang hirap, ayun pala, hindi na kailangan pang sagutin. Magka-buddy kami ni Brian Solis kanina and medyo unti-unti nang lumilinaw sa akin ang lahat. Yung mga itinuturo nina Jigz at Vince the past few weeks ay naiintindihan ko na, slowly but surely.


Well, well, well.... nagbabalak na kami ng brother ko na kumuha ng DSL sa Bayantel para naman hindi lagi busy ang phone kapag nag-i-internet kami, and of course, para mas mabilis ang surfing and para makapag-upload na ako ng mga videos na ginawa ko! Bwahahahaha!!! Ako ang magbabayad ng initial payment and maghahati na lang kami sa monthly subscription. The rate is not bad, it's actually affordable. Kaya kayo, if you wanna get a faster connection, I suggest, magpa-DSL na lang kayo, ok???

Ciao!!!

Sunday, August 13, 2006

Go Red Horse!!!

Good evening everyone!!!

Kakarating ko lang ng bahay, medyo pagod pa ako habang tina-type ang blog entry na 'to. Nanood ako ng match ng ABS-CBNi against AMEX. Sayang at hindi sumama si Red, nandoon pa naman ang crush n'yang si JM! Siyempre, ano pa nga ba ang resulta, eh di nanalo ang ABS as expected, charoz!!! Ang ganda ng laban kanina, umabot hanggang third set. In fairness, malakas talaga ang AMEX ngayon dahil ang daming magagaling sa kanila. Sa sobrang dami ng magagaling, ayun, nagkakahiyaan sila sa pagkuha ng bola. Natalo tuloy sila dahil napakarami nilang error, and of course, magagaling pa yung mga nakalaban nila, kaya umuwi sila nang luhaan! Bwahahahahaha!!! Wish ko lang ay walang nakakabasang taga-AMEX sa blog ko. Anyways, ang galing ni Jepoy, ever energetic sa court, panalo kahit walang contest! By the way, ang name pala ng Team ABS-CBNi ay Red Horse. Bakit kaya 'yun ang name nila eh hindi naman mahilig sa Red Horse ang mga yun? For all I know si Rico at Renan lang mahilig sa Red Horse.

Pag-uwi ko, nagsabay na kami ni Gel sa jeep at pagdating ng Cubao, dumaan muna ako sa Shopwise. Bumili ako ng mga VCD's para mapanood ko kapag may free time ako. Ang mga nabili ko ay "13 Going On 30" starring Jennifer Garner, "Crossroads" starring Britney Spears and "If Only" starring Jennifer Love-Hewitt. Sobrang nakakaiyak ang story ng "If Only" kaya gusto ko siyang ulit-ulitin kapag senti-mode ako, etchoza!!!! Kahapon, bumili rin ako ng VCD sa Odyssey. I bought "Land Of The Dead" and "Kill Bill Volume 2" starring Uma Thurman. Kaya ko binili yung "Land Of The Dead" dahil mahilig ako sa mga zombie-themed movies. Sa tingin ko, 'tong movie na 'to ang magandang panoorin after watching "Dawn Of The Dead", which is one of my favorite movie. Yung mga zombie sa "Land Of The Dead" ay medyo slow kumilos unlike sa "Dawn Of The Dead" na sobrang hyper at wild. Ewan ko ba, I enjoy watching zombies! I enjoy watching a lot of carnage scenes! Yung "Kill Bill Volume 2", ang galing din. Tulad nung first volume, sobrang ganda rin ng mga action scene, less the animation. Medyo kadiri yung part na dinukot ni Uma Thurman yung kaliwang mata nung nakalaban n'yang girl na wala na yung left eye. Ang galing kasi wala na siyang mata after, wala na siyang laban, she's a loser, bwahahahaha!!!

Kahapon pala sa work, nalaman namin na hindi na makakapagpatuloy sa training sina Gilbert and Rod. Michie is so sad about it kasi naman, super bestfriends talaga sila. Hay nako, ganyan talaga ang life. Si Blue nga eh, nalaman ko lang kanina na official nang terminated ang kanyang contract. Haaayyy, life must go on for each and everyone of us. Now, going back, pagkatapos ng mentoring namin, uminom kami sa brown paper bag. Nagbigay si Brian Solis ng 500 pesos pang-share, oh di ba, ang yaman! Grabe nga eh, bago ako uminom kumain muna ako, kaya nung mejo nakakadalawang bote na ako, hininto ko na dahil feeling ko ay masusuka na ako. It's one of the worst feelings I've felt during sessions like this. Iba talaga, para ba akong pinagpapawisan ng malamig. Kaya ayun, nag-stop na ako saka nagyaya na rin akong umuwi, pero bago ako umuwi, dumaan na akong Shopwise para bumili ng mapapanood ko sa mga rest days ko.

Friday, August 11, 2006

92% For The Finals

Good day!

I'm so happy dahil nakapasa ako sa final exam namin kanina. Honestly, hindi ako umaasang makakapasa sa first take dahil marami pa akong hindi naiintindihan sa PayPal. Syempre, ginawa ko ang lahat para makapasa. Super search ako sa mga KBase articles and nag-consult din ako sa help link ng PayPal website. Meron ngang question kanina sa exam about Seller's Protection Policy and nakuha ko yung sagot sa pag-browse sa napakahabang article sa PayPal website. It took me a while bago ko nasagutan yung item na yun. By the way, ang format pala ng exam ay 50 items, composed of multiple choice and true or false. Bale may 100 questions pero since 50 lang ang kailangan, random ang mga questions na lumabas sa exam. Pinagigitnaan ako ni Mon and Dennis kaya hindi mahirap para sa akin na magtanong ng mga correct answers. Fortunately, nakapasa naman ako and apat lang ang mistakes ko, 3 of those are questions about PayPal Canada. Yung iba, nag-retake ng exam dahil hindi sila nakapasa nung una. 92 ang grade ko. Ang galing nga ng exam, computerized! Right after you sumitted, meron agad instant rating so you'd know kung pasado or bagsak ka. 90 ang passing kaya parang sobrang taas ng standard, hmmmmph!

Kanina, nag-start na ang discussion with ambassadors. Mentoring na namin tomorrow wherein the ambassadors will set a sample e-mail reply, pero ang gagamitin this time ay live accounts kaya medyo crucial siya. Nakuha na rin namin ang pay slip namin for this cut-off. Mamaya na ang suweldo kaya masaya na ako dahil mabibili ko na ang mga kailangan ko. Actually, na-disappoint ako dahil I'm expecting a higher amount pero okay lang yun dahil wala pa namang night differential yung kinita namin ngayon. I just wish na mas malaki na sa upcoming salary.

O sha, ciao!

Thursday, August 10, 2006

Sure Shot CSAT!

Good morning!

Kumusta naman kayo d'yan friends??? Binasa ko kanina ang blog post ni Tin sa Friendster dahil bihira ko lang nababasa mga posts n'ya. Congratulations nga pala kay Tin sa bago n'yang car, I hope isakay n'ya kami kapag may free time siya! Kelan kaya yun? Sana this weekend na, etchoza!!!

Haaayyy, finals na namin tomorrow! Wish ko lang ay makapasa ako. Kanina kasi nag-exam kami at majority ng mga sagot ko ay kinopya ko lang kay Dennis at Mon. Basta mamaya, aagahan ko ang punta sa office para makapag-review. Honestly, nahihirapan talaga ako sa training. I admit, hindi naman ako super intelligent pero hindi naman ako slow pagdating sa mga ganitong bagay tulad ng product training. Goodluck talaga sa akin!

Hindi masyadong nag-discuss about products sina Vince and Jigz dahil nag-discuss na ng mga guidelines yung mga superior namin. Nag-orient na sila about QA or QD, Quality Development ang term nila sa SITEL. Meron ding CSAT or Customer Satisfaction which is new to me. Maraming terms pa ang natututunan ko dahil karamihan ay hindi ko naman na-encounter pa with ABS-CBNi. Yung CSAT ay evaluation ng mga customer tungkol sa mga nakakausap nilang CSP's or Customer Service Professionals. Sana makakuha ako ng magandang CSAT as I progress! Naaalala ko pa, ang tip lang sa amin ni Jigz para makakuha ng magandang CSAT, ayusin naming mabuti ang mga calls regarding password recovery.

O sha, I gotta go na! Byers!!!

Wednesday, August 09, 2006

I Enjoy eBay's Live Help!

Magandang umaga Pilipinas!!!

Hay nako, wala pa ring forum, hmmmmph! Kainis, napupunta sa beta site ng ABS-CBN kapag nilalagay ko sa site ng forum. Bakit kaya? Anyways, thanks pala kay JP at Cutie sa pag-reply sa Friendster blog ko yesterday. Now I know, hindi pa pala totally deleted ang forum. Ang tanong ko na lang, kelan kaya ito babalik? Hopefully bumalik na this weekend dahil Saturday and Sunday ang off ko and kadalasan, nag-iinternet lang ako kapag walang magawa.

Kanina sa training namin, sa totoo lang, wala na akong naiintindihan. Kaunti lang talaga ang medyo malinaw. Hindi rin ako makapagtanong dahil ayaw din gumana ng utak ko. Ewan ko ba, di ko alam kung sinong may problema. Ang mga trainers ba? Yung product ba? Or di kaya, ako??? Hallerrr... ewan ko! Nung nasa ABS-CBNi naman ako, hindi naman mahirap ang pag-absorb ng mga information kahit sobrang dami ng product, pero bakit kaya ngayon parang napakahirap nilang sundan. Ang ginawa ko na lang kanina para hindi antukin ay makipag-chikahan kay Dennis at makipag-chat sa Live Help ng eBay. Sobrang naaliw ako sa kaka-chat sa eBay, kahit si Mon. Natatawa ako kapag pinapahirapan namin yung mga agent na nagrereply sa mga inquiries ko, at hindi lang yan, binabagsak ko rin sila sa Customer Satisfaction Rating or Evaluation. Ang sama ko noh? Hindi naman lahat ay binabagsak ko, may kino-commend nga ako kanina but for some reasons, nawala ang connection namin kaya hindi ko nasiguradong naparating n'ya sa supervisor n'ya ang commendation.

Oooops, I'm feeling sleepy na! Paalam!!!

Tuesday, August 08, 2006

Hacked By Zim!

Good morning!!!

Kakarating ko lang from work and medyo na-disappoint ako d ahil yung forum sa ABS-CBN ay na-hack. There was only one thread on the forum. Ang title ay "Hacked By Zim". Who's Zim anyway??? Sino nga ba siya??? Ang epal n'ya. Last night lang ay nakapag-post pa ako sa Cashual Chat and suddenly, pagtingin ko ngayon ay na-hack na siya. I don't know if this problem will be resolved immediately. I have no idea. I'm not a techie person. Sana lang ay may magawa ang mga administrators ng forum. I wish na maibalik agad siya as soon as possible. Naka-encounter na ang forum ng virus pero never pa itong na-hack. Haaayyy, basta sana lang talaga ay maayos agad ito. Ito lang naman ang site kung saan na-meet ko yung ibang mga friends ko na madalas kong nakakasama sa lakaran these days. Syempre, dito ko na rin nakakausap yung mga ex co-workers ko sa ABS-CBNi.

Goodluck na lang sa forum.

Monday, August 07, 2006

Congratulations ABS-CBNi!

Good afternoon!

Nagpe-prepare na ako papuntang office while I'm writing this blog post. Haaay, Monday na naman! 5 days straight na naman akong papasok sa office.

Last Saturday, nagpunta ako sa opening ng volleyball tournament ng HTMT formerly known as C3. Syempre, I'm there to support my friends from ABS-CBNi team. Nakalaban nila ang Chevron and fortunately, we won! Congratulations! Actually naka-set na sa isip ko na sila ang mananalo kaya I'm no longer surprised although last year talaga, natalo kami ng Chevron kahit 5 players lang ang meron sila. Enjoy sana maglaro kaya lang I'm no longer employed by HTMT pero kahit hindi ako part ng game, enjoy pa rin dahil super cheer naman kami. Nakakatawa nga eh, yung kalaban namin sobrang ayos mag-cheer as in they don't boo the opposing team, di tulad sa ABS-CBNi, kapag nasa kalaban ang bola, we boo them and say "wala" kapag nasa part na ng kalaban ang bola. In fairness, marami pa rin ang sumuporta sa ABS-CBNi. Yung iba, kahit resigned na nandoon pa rin and that includes myself. Nandoon din sina Anthony, Blue, Daphnie at Ate MeAnn na kakaresign lang recently. FYI lang din, nandon din si Mam Miriam, si Sir Don, missing in action.

After ng game, nagpunta kami kina Maxene. Ang dami namin doon. Let me enumerate. Nandoon sina Mabz, Azenith, Jepoy, Blue, Veron, Mervin, Strasse, Gel, Gigi, Nat, Rico, Chester, JM, El Cid at ang first time naming nakasama sa mga ganitong lakaran, si Danny. 17 kami lahat sa bahay ni Maxene. Ang dami pala! Nag-inuman kami and buti na lang, may magic sing sina Maxene. Syempre, sobrang nag-enjoy na naman si Mervin sa kakakanta. Nakakamiss din yung mga get together na ganon. Imagine, almost 3 years din ako with ABS-CBNi. Nag-emote pa nga si Azenith at bigla siyang naiyak. Si Veron din, mukhang gusto n'yang umiyak pero ayaw lang tumulo ng luha n'ya. Ang dami na ng mga issues sa account namin. Sa ngayon nga, hindi ako sigurado kung ano ang status ng ABS-CBNi sa HTMT. I've heard them say na hindi sila sure kung aabot pa ng December dahil October ang renewal and yung mga supervisors ay magiging agents na lang. I thought stable sila sa HTMT. Goodluck na lang!

Yesterday naman, wala naman akong ginawa kung hindi matulog buong maghapon. 5PM na nga 'ata ako nagising. Then nanood lang akong ng TV at nag-internet buong magdamag. May napanood ako sa Lifestyle Channel, ang title ng show ay "Who's Wedding Is It Anyways?". Pinakita dito yung pagpa-plano ng commitment ceremony ng dalawang lalake or should I say gay men. Para rin siyang totoong kasal except for the entourage and ceremony. Meron din silang exchange of vows and 'cutting of the cake ceremony'. Basta, simple lang yung kasal-kasalan nila. Hindi naman diniscuss dito yung mga legal aspects, it's more on organizing the event itself.

O sha, hanggang dito na lang at ako'y aalis na rin maya-maya. Ciao!

Saturday, August 05, 2006

Angel In Disguise

Good morning!

Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa si Precious. She's a super friend of mine back in college. We're super close that she tells me most of confidential things about her. Umutang siya ng 10 thousand at dalawang 2 thousand pesos sa akin pero hindi na n'ya ako binayaran. She won't reply or contact me whenever I ask for the money. In short, we lost communication. Hindi na siya nagparamdam sa akin. Almost 14 thousand pesos ang utang n'ya and nasa kanya rin ang 3310 kong cellphone. That's the reason why I can't believe it. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina. Ganito kasi yun, first 15 minute break namin, bumaba kami para mag-yosi. May nakita akong isang irregular classmate ko back in college. I forgot the name but I still know her and good thing is that she also remembers me. Then suddenly, nung tumapat na kami sa pwesto malapit sa 7/11, bigla kong nakita si Precious. Alam n'yo, bigla akong kinabahan and hindi ko alam ang gagawin. Medyo nag-init ang ulo ko at medyo na-praning din ako kaya panay ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba, ako na nga ang naisahan tapos ako pa ang takot. I'm not sure why. Siguro takot ako na baka biglang magkaroon ng di inaasahang eksena. It's very unpredictable. Baka bigla ko siyang iyakan, ah basta, ewan ko. Sa ngayon, magulo pa sa isip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Hahayaan ko na lang ba na ganun na lang yun now that I've realized na mahirap kumita ng pera, or hahabulin ko pa siya dun. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit siya umiwas bigla sa akin. Hindi naman siya ganon nung nakilala ko siya. Hay nako, looks can be deceiving. She's an angel in disguise! Tama na nga 'to, baka biglang uminit pa ang ulo ko.

Cool topic naman. Sa wakas, rest day ko na rin hanggang Sunday. Okay naman ang naging discussion kanina kaya lang, medyo na-bore na ako nung bandang huli. Hindi na ako nakikinig kay Jigz and nag-surf na lang ako sa eBay. Enjoy pala magtingin-tingin ng mga tinda sa eBay and hindi lang yun, enjoy din ako sa live chat ng eBay. Yun ang customer service nila. Kung sa ABS-CBNi ay may forum, dito naman ay may eBay kaya medyo enjoy pa rin naman, hehehehe. Kanina pala, nag-evaluate na kami ng mga trainer namin. Excellent ang rating ko kay Jigz pero kay Vince, medyo tagilid. Ewan ko ba, sobrang monotonous si Vince. Si Jigz naman, aside from being a good facilitator, nakakatawa rin siya minsan.

O sha, hanggang dito na lang, antok na ako. Mamaya, gigising ako ng 3PM dahil pupunta pa ako ng Club 650, opening ng HTMT Volleyball Tournament. I'll be there to support!

Friday, August 04, 2006

26 Points Out Of 30 Items

Good morning!!!

Finally, hindi na nakakaantok at boring ang session namin kanina with Jigz and Vince. Kahit paano ay may redeeming factor! Nag-start kami with a review from what we have discussed the other day, then, nagkaroon kami ng group activity. Ang inillustrate namin ay 5 Reason's To Go Through Expanded Use Process. In fairness, in terms of aesthetics, okay naman kami pero sumablay lang sa explanation. Unfortunately, wala kaming points. For now, hindi ko alam kung ano ang standing ng Team Mulmul, all I know is that, Young Goons (lead by Sage) is the leading team. Actually, before mag-end ang class namin, may 150 hanging or pending points for Donna, mejo napagtripan nga siya kanina, it's either a plus or minus points for their team. Tomorrow pa itutuloy.

Hindi ko napansin ang oras, parang mas mabilis 'ata ang session namin today compare to the past 3 days. So far, unti-unti ko nang naiintindihan yung mga topics although marami pa rin akong kailangan i-absorb sa training. Nagkaroon nga kami ng exam kanina and I only got 23 points out of 30 items and you'd have to get at least 27 points to pass. Haaaayyy, wish ko lang ay kayanin ko ito sa exam. Ewan ko ba bakit naka-23 lang ako, nag refer naman ako sa KBase. Maybe Jigs is right, more effort on navigating the KBase.

Medyo maaga ang uwi ko dahil sumasabay ako kay Marru hanggang Cubao. Malaking tulong talaga yung pagsabay ko dahil nakaka-save ako ng time and ang hinihingi lang n'ya sa akin ay 20 pesos. Sobrang okay na yun dahil hindi na ako masyadong napapagod sa paglalakad. I'm sure hindi ito mababasa ni Marru dahil hindi naman siya mahilig sa mga online profiles, anyways, thank you na lang Marru!

O sha, hanggang dito na lang po Ate Charo, etchoz!!!

Ciao!!!

Wednesday, August 02, 2006

Jigz Is Good

Nakakaantok!!! Buti na lang at isinabay ako ni Marru papuntang Cubao. Parang babagsak na nga mga mata ko sa bus kanina. Pagdating ko dito sa bahay, nagpabili agad ako ng lugaw para busog ako bago matulog.

Sa totoo lang, medyo boring talaga ang training kanina. Walang mga games na nagaganap except sa usual points na ibinibigay nina Jigz and Vince kapag tama ang na-search sa KBase (Knowledge Base). Actually, nakadalawang tamang sagot ako kanina kaya medyo malaki na rin ang nai-ko-contribute ko sa group namin. Sobrang nakakagulat naman 'tong si Yoraya, napaka-active n'ya pagdating sa hanapan sa KBase hehehehe. Sa ngayon natututo lang ako kapag ginagawa namin nang actual yung mga dinidiscuss nila. Gumagamit kami ng dummy site para sa mga sample transaction. Natututo rin ako kapag nagre-refer sa KBase tsaka kapag nagdi-discuss na si Jigz. Sa tingin ko, magaling magturo si Jigz, it's just that, kailangan lang ng synchronize technique tulad ng ginagawa ng mga naging trainers namin sa TeleDevelopment. Another thing with Jigz, nung nag-break kami, tinawag n'ya ako, tinanong n'ya kung may natututunan naman daw ba ako, syempre sinabi ko na medyo malabo yung karamihan ng dinidiscuss. Mukha namang open siya sa mga concerns namin kaya sabi n'ya, okay lang daw na magsabi kami or di kaya ay mag-e-mal sa kanya. He even advised us to arrive at least an hour before our training for clarification on the topics we're discussing.

Up to now, wala pa rin kaming balita kay Blue. Mamaya, susubukan ko siyang tawagan para malaman kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya. Halos lahat sa office nagtatanong na about Blue!
Haaaayyy, inaantok na ako!!! Byers na!

Tuesday, August 01, 2006

Where's Blue?

Haller!!!

It's August! Kumusta naman kayo d'yan? Nakakatamad ang panahon ngayon, nag-uuulan pa rin, sana ay wala na lang pasok. Wish ko lang!

Bago pumunta ng SITEL, dumaan muna ako sa C3 kasama sina Red and Blue (grabe, mga colors pala ang mga pangalan nila! bwahahahahaha!!! charoz!!!) Nag-drop by kami dahil naghanda si Mirasol ng kaunting salu-salo para sa mga agents na nag-end na ang contract. Konting kumustahan at chikahan pero super sandali lang talaga kami dahil napaka-traffic papuntang Eastwood.

First day ng Product Training namin for PayPal. Sina Jigz and Vince ang mga trainers namin. May mga kasama rin silang ambassadors. Hindi ako sure kung ano ba ang function nila sa operation ng PayPal pero part din sila ng team na magte-train sa amin all about PayPal. Ang first activity namin ay ang paggawa or pag-illustrate ng creature, a creature that will best embody a perfect or model CSR. Yung team namin nina Michie, Mon, Vi and Rhine ay ang Team Mulmul. Kung mapapansin n'yo, medyo unique ang name, hehehehehe. Ako ang nag-drawing at ang ginawa namin ay isang Octupus at ang name ng creature ay Love. Yan lang ang paraan para maalala namin ang dating clown ng class namin, si Love. Nakaka-miss siya in fairness. Now, going back, Octopus ang creature dahil nag-emphasize kami sa abilty ng CSR na mag-multi-task.

Regarding the training, wala pa naman talaga kaming dinidiscuss about product specifics. It's more on overview. Kasama na rin doon ang KBase (Knowldege Base). KBase is more like of a job aid found under one site. Para siyang Intranet with ABS-CBNi before pero mas complex ang KBase. Sa ngayon, hindi pa ako masyadong nadadalian sa pagnavigate ng facility na 'to pero siguro in time, madadalian na lang din ako. Meron na rin kaming kanya-kanyang Outlook. Yung ibang mga kasamahan ko ay familiar na sa bagay na 'to pero ako, first time ko pa lang siyang na-ecounter dahil wala naman kaming e-mail with ABS-CBNi before. Ang cool ng Outlook, may calendar and journal, I'm wondering, pwede rin kaya akong mag-post ng blog sa journal namin??? Teka nga pala, nakalimutan kong i-mention, biglang nawala si Blue sa training namin. Pinatawag siya during our first activity. Up to now, wala pa ring clear reason kung ano na ang nangyari sa kanya. Is he out or will he be taking another training??? That's the big question! Well, mas magandang manggaling na rin sa kanya since wala naman sinasabi ang mga trainers namin kung ano na nga ba ang nangyari kay Blue.

Hmmm...medyo nakakaantok talaga ang session namin pero sana mamaya pag pasok ko, nakapag-adjust na ang body clock ko. I gotta go now! Byers!!!