26 Points Out Of 30 Items
Good morning!!!
Finally, hindi na nakakaantok at boring ang session namin kanina with Jigz and Vince. Kahit paano ay may redeeming factor! Nag-start kami with a review from what we have discussed the other day, then, nagkaroon kami ng group activity. Ang inillustrate namin ay 5 Reason's To Go Through Expanded Use Process. In fairness, in terms of aesthetics, okay naman kami pero sumablay lang sa explanation. Unfortunately, wala kaming points. For now, hindi ko alam kung ano ang standing ng Team Mulmul, all I know is that, Young Goons (lead by Sage) is the leading team. Actually, before mag-end ang class namin, may 150 hanging or pending points for Donna, mejo napagtripan nga siya kanina, it's either a plus or minus points for their team. Tomorrow pa itutuloy.
Hindi ko napansin ang oras, parang mas mabilis 'ata ang session namin today compare to the past 3 days. So far, unti-unti ko nang naiintindihan yung mga topics although marami pa rin akong kailangan i-absorb sa training. Nagkaroon nga kami ng exam kanina and I only got 23 points out of 30 items and you'd have to get at least 27 points to pass. Haaaayyy, wish ko lang ay kayanin ko ito sa exam. Ewan ko ba bakit naka-23 lang ako, nag refer naman ako sa KBase. Maybe Jigs is right, more effort on navigating the KBase.
Medyo maaga ang uwi ko dahil sumasabay ako kay Marru hanggang Cubao. Malaking tulong talaga yung pagsabay ko dahil nakaka-save ako ng time and ang hinihingi lang n'ya sa akin ay 20 pesos. Sobrang okay na yun dahil hindi na ako masyadong napapagod sa paglalakad. I'm sure hindi ito mababasa ni Marru dahil hindi naman siya mahilig sa mga online profiles, anyways, thank you na lang Marru!
O sha, hanggang dito na lang po Ate Charo, etchoz!!!
Ciao!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home