Saturday, July 29, 2006

Agent Sills Training Is Over

Magandang hapon!!!

It's Saturday and it's my rest day!!!

Yesterday's our final day for Agent Skills Training. Maganda naman ang naging result ng grades ng majority except for Blue, Brian Solis and Yoraya. Michie is the highest, then Jigs and the third is Chris. I thought that Chris will make it as the highest and it was a surprise when Michie got it. Sa simulation ko naman, I think that I did it well. Karamihan ng feedback ni Claire ay magaganda. Si Claire ang nag-simulate sa akin. She pretended to be a pervert old American gay man visiting Thailand for prostitution. Naging maganda ang flow ng call namin dahil kahit anong pangungulit ang ginawa n'ya sa akin, naging firm pa rin ako, hindi ako nagpadala sa customer, ako ang nag-control ng call namin. Ang galing talaga ni Claire sa pag-simulate, kahit anong character, kaya n'yang gampanan. Aside from that, wala talaga siyang mga fillers (uhhmmm..) kapag nagsasalita siya. Overall evaluation ko sa kanya is excellent! In addition to that, she's also nice, hinayaan niya kaming manood habang naghihintay sa turn namin for call simulation. Ang pinanood namin ay "To Wong Foo, Thanks For Everythng - Julie Newmar" nina Wesley Snipes and Patrick Swayze. Nakakaaliw talaga ang movie na ito, panalo!


After ng training namin, pumunta kami ni Blue sa C3 para magpa-clearance. Natapos ko na ang clearance ko at babalikan ko na lang ang aking back-pay after 2-3 weeks. Wish ko lang ay malaki ang aking makuha. Sa C3, nakita namin ni Blue si Zha. Isa siya sa hindi naka-advance sa third training day namin sa English Skills Training with Teri. Kulang siya sa requirement kaya sa Capital One na siya mapupunta.

Pag-alis namin ng C3, pumunta na kami sa Eastwood. Hinatid muna namin si Zha sa Brown Paper Bag kung saan nag-iinom na ang mga kasama namin sa training, then pumunta kami sa SITEL para kuhanin yung mga ATM namin. Grabe, ang liit lang suweldo ko ngayon. Php1,200 lang. Anyways, 3 days lang naman yun kaya okay lang.

Nang inuman na, naging ka-chika ko sina Chris at Dennis. Bonding moment kumbaga. Na-meet ko rin ang future TL namin. His name is Jake, I don't know if he's telling the truth when he said that he's only 21. Mas bata pa siya sa lahat ng trainee, how could that be possible? Well, mukhang mabait naman siya and of course, cool siya! Grabe si Blue, nalasing at nung time na uwian na, ay bigla na lang nawala.

Haaay, mamaya ay aalis ako at manonood kami ng Sukob!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home