28 Guests Attended My Party
Magandang gabi!
Sa wakas, natapos na rin ang birthday celebration ko at bukas ay magsisimula na ang panibagong pagsubok, etchoz!
In fairness, naging successful naman ang party ko. Medyo marami-rami din ang dumating. Let me enumerate. Si Glenda - siya ang nagluto ng spaghetti ko, si Jassey - siya naman ng nag-volunteer on the spot na gagawa ng lumpiang Shanghai na super sarap, si Daphnie - siya ang hiniraman ko ng cellphone dahil hindi gumagana ang keypad ng bulok kong cellphone, si Eds - siya ang nagplano na gagawa ng buko pandan salad pero hindi natuloy dahil tinulugan n'ya lang kami, si Lea, si Rodz, si Zach & Wella na hindi ko talaga ine-expect pero sobrang happy ako dahil nakarating sila, si Cathy na galing pa fresh from Singapore, sina Red, Tin & Jay - sila ang nagdala ng cake ko, si Mirasol - siya ang nagbigay ng 100 Wishes in A Bottle at saka yung first ever Teddy Bear ko, Si Neri - siya ang tumulong sa akin sa pag-aayos ng mga bagay bagay sa party at sa mga bisita ko, si Parnel and his girlfriend, nakalimutan ko na ang name ng girl, tinukso ko pa si Parnel kay Tin, eh sila pala nung girl, sorry hehehehehe, si Oliver and Mylene - sila ang mag-jowang forumer, si Ivy, si Tin-Tin - siya ang nagregalo sa akin ng dalawang maliliit at super cute na cakes, sina Alice at Matet na sobrang porma nang dumating, si Blue, si Maxene, si Onin na sobrang lakas maghilik, last but not the least, ang mga friends ko sa Letran, sina Janjay, Paul and Dennis, sobrang na-miss ko talaga sila dahil matagal na rin kaming magkakaibigan, kaya lang hindi nila ako pinagdala ng cake! 28 lahat ang naging guests ko, not bad at all.
Hay grabe, ngayon lang may taong nag-abala para sa birthday gift sa akin. Isa na doon si Mirasol, it's not easy to ask another 99 person to write a greeting for someone not so special like me. Maraming salamat din kay Red, Tin and Jay dahil talagang ipinalagay pa nila sa cake ang username ko sa forum na lokagirl_gatas which I got from Elaine, a friend from Letran. Thank you sa inyong lahat. Maraming salamat din kay Ate Glenda na nagluto ng Spaghetti para sa akin, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanila. Kay Neri, Jassey at Wella na sobrang asikaso sa mga bisita. Sobrang na-appreciate ko rin si Mary and Ryu na tumawag pa from Japan para lang batiin ako ng happy birthday.
Hay nako, theres so much people to thank. Yung 100 message ko ay nabasa ko na, salamat sa effort ng lahat. In fairness ang dami ko rin handa, may spaghetti, may lumpiang Shanghai, may Fried Chicken, sapin-sapin, palitaw, beer, red wine at kung anu-ano pa!!! Basta, ang saya-saya. Some of my friends from work were able to jive with my friends from Letran, kahit paano nagkulitan din sila.
Hay grabe, sobrang late na natapos ang celebration ko, around 2AM na yata. Nagsitulugan dito yung iba at dalawang kwarto ang na-occupy. 1:30 PM na nang nag-sialisan karamihan ng natulog at naiwan pa sina Jassey at Rodz dahil may hinintay pa sila. Around 3PM umalis na sila and mga 5PM nakatulog na ako. Sobrang haba ng aking tulog, around 6AM na ako nagising and that is this morning. Halos 12 hours ang aking tulog, sobrang nabawi ko ang aking sleep credits.
Tomorrow ay magsisimula na ang foundation training ko sa Makati. I need to wake up early kaya I'll say goodbye na!
By the way, ang ganda ng episode ng Sharon with Kris Aquino and Claudine Barretto.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home