Thursday, July 06, 2006

'Can Do' Attitude

Magandang gabi po sa inyong lahat!

Nagising ako kanina sa ring ng phone at ang tumawag ay si Blue. Mabuti na lang at tumawag siya kung hindi, baka masyado nang late para makapag-ayos ako ng mga requirement ko sa bagong trabaho ko with SITEL. Nainis ako kanina dahil hindi ko makita yung birth certificate ko na certified ng NSO. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakikita. Sayang, 300 pesos din yun! Going back, nang magkausap kami ni Blue, nasa office siya at gusto n'ya sumama ako sa kanila. Bigla akong nakapag-isip, sayang naman ang pera kung sasama lang ako sa kanila manood ng sine, eh wala pa naman akong trabaho. Imbes na ma-tempt akong sumama sa kanila, nag-decide na lang ako na pumunta ng NBI since isa yun sa primary requirement ko sa trabaho. Naisip ko yung behavioral exam sa SITEL. May question doon, multiple choice siya, ang tanong, nagpo-possess raw ba ako ng "can do" attitude, syempre ang isinagot ko ay strongly agree. I think this attitude is very good lalo na kung i-a-apply mo siya sa araw-araw na gawain. Sa totoo lang, napakarami kong nagawa ngayon araw na ito. Nakapagpa-issue ako ng NBI clearance kahit medyo box office talaga ang pila. Nakapag-deposit din ako ng pera sa bank account ng Papa ko sa BPI sa, nagbayad ng PLDT bill at bumili na ako ng mga fixtures dito sa bahay tulad ng ballast para sa ilaw namin sa salas, mini bulb para sa refrigerator and adhesive para sa dresser ko na medyo nakakalas na. Ang galing ko noh??? Grabe, ang sarap talaga kung lagi mong ilalagay sa isip mo yang "can do" attitude na 'yan. Parang feeling ko nga, bukas marami pa akong magagawa. Kailangan kong pumunta sa SSS para kumuha ng ID and wala pa rin akong police clearance. Bukas na rin ang orientation namin sa SITEL, 6 pa ng hapon kaya sana magawa ko yung task ko nang maaga-aga.

Haaaay, sarap ng feeling! Ganito pala talaga ang buhay, hindi madali. Kailangan magtrabaho at napakahirap din pumasok ng trabaho dahil ang daming requirements na dapat mong ayusin. I'm still lucky dahil kahit wala akong work, may pera pa rin ako, hehehehe. Kanina nga nung nasa Carriedo ako, bumili ako ng limang pirated DVD's for only 150 pesos. Talagang nakipagtawaran ako dun sa mama dahil I want to spend as little as possible. Ayoko ng masyadong gastos sa ngayon dahil alam ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga taong tambay.

Speaking of tambay, 2 weeks pa akong magiging tambay dahil sa July 17 pa talaga ang start ng training ko. Tamang-tama ang binili kong DVD's, Da Vinci Code, X-Men 3, The Omen, Pirate Of The Carribean 2 and The Nun. Sa ngayon nga, masyado na talaga akong nag-e-enjoy sa mga palabas sa TV. Sobrang naging habit ko na ang manood ng TV from 6:30 PM which is Ambush Makeover, then pahinga ng kaunti or maliligo, tapos balik TV na naman kapag Kapamilya, Deal or No Deal, pagkatapos ay Bituing Walang Ningning. Ang gusto kong stylist sa Ambush Makeover ay si Anthony dahil ang cute n'ya, he very charming. Sa Deal or No Deal naman, naaaliw ako sa 26K. Yung mga babae na may hawak ng briefcase. Pretty si Meral, Diana at yung iba pa na hindi ko masyadong kilala. Natatawa naman ako kina Charmel at Angel dahil hindi talaga maganda ang rehistro ng face nila sa camera, ah ewan ko ba! Hehehehehe!!! Sa Bituing Walang Ningning naman, kanina na binitiwan ni Lavinia ang famous line na "You're nothing but a second rate, trying hard copycat" sabay buhos ng wine sa face ni Dorina. Ang ganda talaga ng mga shows na ito. Mami-miss ko 'to kapag nag-work na ako.

Another thing that keeps me busy these days ay ang forum. Ang saya ng forum dahil balik sa dati ang sigla. Ang saya kapag online ang mga friends kong sina Tin, Red, Mary and Jay. Pang-anim na lang ako sa Top 10 forumers with great number of posts. Okay lang yun since enjoy naman talaga sa Cashual Chat.

Alis na ako, I need to log on to the forum! Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home