Friday, June 23, 2006

Serious About Pinoy Big Brother

Maging housemate kaya ako? Well, yan ang tanong ng karamihan ng mga ka-forum ko. Lahat kami ay hopeful na makasali sa Pinoy Big Brother Season 2. I have my birth certificate and all I need is to choose a close-up and whole body photo among my collection. Sa ngayon, wala pa akong trabaho kaya okay ang pag-o-audition sa akin, sana matanggap ako, or else, I need to find a work as soon as malaman namin ang resulta. Sa Sunday na ang last audition within Metro Manila, gaganapin ito sa SM South Mall. Mukhang hindi ko pa 'ata nararating ang South Mall na ito. Bandang Las Pinas 'ata 'to. I've heard a news from the office na nag-audition si Maynard sa SM North EDSA at ang sabi, pang-14 raw siya. Hallerrrr!!! Hindi pa kaya tapos ang audition, obviously, it's not true. Hay grabe, I'm so excited for this thing. May mga nagsasabi na pwede raw akong sumali. Actually, sa tingin ko, lahat naman ay may equal opportunity for this show. Sana lang talaga ay matanggap ako!

For now, sa bahay pa rin ako. Hindi ko na sinipot yung interview sa Makati for Travel Rep dahil malamang, mali yung iniisip ko. Malayong dalhin nila ako sa ibang bansa dahil call center pa rin ang bagsak ko. Kung magko-call center lang din ako, sa Sitel na lang kung nasaan sina Jovie, Janice at Lew.

Grabe, ubos na ang pera ko. 3,000 pesos na lang ang natira sa ATM ko, tapos nag-withdraw pa ako kanina. 2,000 para kay Ate Fannie, 500 kay JR and 500 for me, panggastos ko this Sunday sa audition. Wish me luck, sana matanggap ako!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home