Saturday, June 10, 2006

Forumers At Laffline


I'm so bad!!! Tinamad na naman akong pumasok! Part na ito ng countdown sa pagre-resign ko! Hindi na ako nakapasok dahil sobrang nag-enjoy ako sa Laffline kasama ang mga forumers. Syempre, hindi mawawala sa lakad sina Tin at Red. Kasama rin namin si Oliver a.k.a Nitrous Oxide. Sumama din si Dwight, unexpectedly. This time, may mga bagong forumer din akong na-meet. Sina JP a.k.a. JP Kalog, Jay a.k.a. Mapangahas and si Onin a.k.a. Cyberkada.

Kakaiba talaga 'pag comedy bar. Hindi lang nakakatawa, may halong takot at kaba pa! It's my second time in Laffline. Ang mga performers last night ay sina Vice Ganda, Maui Taylor and Janelle Jamer of Wowowee. Grabe, ang galing talaga ni Vice Ganda although yung ibang mga jokes n'ya ay umuulit. In fairness talaga with Vice Ganda and Janelle, they're really nice in person. Okay lang sa kanilang magpa-picture, hindi sila feeling star! I like them!

About the forumers naman, mukhang nag-enjoy naman sila sa kakapanood. Lalong-lalo na si JP. Grabe, ang guwapo talaga ni JP. Cute siya sa mga pictures n'ya, and guwapo siya sa personal! After namin mag-Laffline, kumain kami sa Burger King. Tapos, after ng kaunting kwentuhan sa Burger King, nag-uwian na rin yung iba. Sina Red, JP, Jay at Onin naman ay pumunta pa sa bahay namin at nag-stay until 6 in the morning. Wala naman silang ginawa, nag-upload lang kami ng mga pictures and sina Jay at Onin ay natulog sandali.

Grabe si JP, may puntong Bisaya pero it doesn't matter. He's really cute! Sayang nga lang, until Monday na lang siya sa Manila at uuwi na siya ng Surigao. Masyadong maikling panahon!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home