Friday, June 09, 2006

Alice At Glenda, The Sleeping Visitors


Good afternoon!

Hindi ako makatulog! Ang dalawang bisita ko ay mahimbing pa rin ang pagtulog. Ang dalawang bisita kong 'to ay walang iba kung hindi sina Glenda at Alice. Mabuti naman at kahit paano ay natuloy ang pagpunta nila dito. Si Brooke, hindi na nakapunta dahil sobrang antok raw siya.

Last night, umeksena ako sa office. Rest day ko talaga pero nagmaganda ako. Pumasok pa rin ako kahit walang pasok. Ang ending, pinauwi ako ng alas-dos. Nagkaroon pa ako ng mga Piolo-Juday hardcore fanatics na sobra ang reklamo sa teleserye nilang Sa Piling Mo. Tama ba naman na pagbantaan pa akong ika-cancel nila ang service kapag hindi nagkatuluyan sina Piolo at Juday! Haller!!!

Mamayang gabi, kikitain ko sina Tin, Red at JP sa SM North. Hindi ko tuloy alam kung mag-aabsent ako mamaya or magha-halfday lang! Naku!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home