Monday, June 05, 2006

Kapamilya, Deal Or No Deal

Good evening!

Hanggang ngayon, masakit pa rin ang katawan ko! Nag-volleyball kami kahapon sa Club 650 and its been a year since last kami naglaro. Grabe, ang sakit ng kamay at likod ko. Matagal-tagal na rin akong hindi napagpapawisan kaya tama lang 'yon. Kasama kong maglaro sina Mervin, Rico, Gel, Jeff, Sailem, Uno, Brooke, Mother Gigi at yung programmer na si Glen, na super crush ni Veron. Nung una at pangalawang round, nanalo kami ng mga ka-team ko. By the way, kakampi ko pala sina Mervin, Sailem, Mother Gigi at Brooke. Nung umalis na si Brooke, that's the time na natalo na kami. I admit that I'm not a good player, even before, nag-eenjoy lang ako sa paglalaro.

Rest day ko tonight, and ang shift ko na for this week is by 10:30PM-7:30AM. Palapit na nang palapit ang araw ng resignation ko. Ewan ko ba naman. Parang hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko. Nag-aambisyon pa akong maka-join sa Pinoy Big Brother. Wish ko lang na mapili ako kapag nag-audition ako. Goodluck!

Sa ngayon, enjoy lang ako sa panonood ng mga foreign shows like America's Next Top Model With Tyra Banks, Queer Eye For The Straight Guy, Tyra and a whole lot more. Actually, parami nang parami ang magagandang shows sa TV. Kanina ang first epsiode ng Kapamilya, Deal Or No Deal hosted by my favorite, Kris Aquino. So far, parang regular portion lang ito sa mga noontime shows. I'm not sure if it will bring good ratings, hopefully maging maganda ang feedback ng mga viewers. First contestant nila si Mae Rivera, isa siyang singer na ngayon ay naghihirap na. Parang Pera O Bayong ang show na ito pero may thrill dahil one by one nilang binubuksan ang laman ng 26 briefcases. May excitement din kaya lang isang contestant lang ang maglalaro per episode kaya parang bitin.

Balik na naman ang forum sa Pinoycentral, kaya lang, wala na ang mga usernames namin although may existing account pa rin ako. Hindi naka-display ang username pero may avatar pa rin naman. Hindi na ako ganoon ka-excited sa forum, siguro dahil matagal din nawala.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home