Thursday, May 18, 2006

Commendation, E-Telecare And Mary & Ryu

Good morning Philippines. Mabuhay!

Sa wakas, mejo maaga-aga ako naka-uwi ngayon. 12AM-9AM ang schedule ko for today until tomorrow. Hindi ko pansin ang tagal ng oras sa shift ko ngayon, ewan ko ba, siguro dahil tama lang ang dami ng calls at hindi masyadong komplikado ang mga tawag. Kanina, nakita ko ang commendation ko na naka-post sa bulletin board sa office, congratulations to me!!! Medyo nag-expect din ako na mai-po-post yung commendation na yun bago man lang ako mag-resign. Salamat kay Mhel at siya ang nag-retrieve ng call na na-commend ako ng customer pero hindi ko ibinigay sa supervisor. Kahit paano, nagkaroon din ako ng commendation after 2 years, bago man lang ako mag-resign! Speaking of resignation, kanina na ang last day ni Jovie sa HTMT. May bago na siyang work sa Sitel sa Eastwood. Anytime soon, mag-aapply na rin ako sa mas magandang company habang nag-aayos ng mga papeles ko.

Anu-ano nga ba ang nangyari sa akin the past few day? Nung Tuesday, after ng shift namin ni Janice, pumunta kami ng Eastwood para sana mag-apply sa Sitel. Unfortunately, hindi na pala doon ang recruitment office nila, sa Boni Avenue na pala. We have no choice but to apply to the nearest call center available, and that's E-Telecare. Janice and I expected to pass the initial interview and the exam. Hindi naman kami na frustrate dahil pumasa kami kahit na hindi talaga namin maintindihan ang exam na sobrang hirap dahil puro computer terms ang karamihan ng nasa test 2 and test 3. Actually, worried ako that time. It's not for the exam. It's for the reason that Red, Tin and I will gonna meet Mary, our friend from the Pinoycentral Forums. Iniisip ko na baka wala na akong itulog. It's about 6:30PM na nang i-announce kung sinu-sino ang papasa. Nag-taxi na ako para mabilis akong maka-uwi. Isinabay ko na lang yung fresh graduate na nag-apply rin sa E-Telecare pero bumagsak, ang name n'ya ay Geri, isa po siyang girl na graduate ng Psychology sa FEU, and she claims that it was her first time to apply after graduation. Naka-uwi na siguro ako about 8PM dahil medyo ma-traffic na rin that time.

Pagdating ko ng bahay, nagpahinga nang kaunti at agad kong tinawagan si Red. Nagkita na lang kami sa SM North EDSA. While waiting for her, dumaan muna ako ng grocery. Good thing at nakakita ako ng bagong issue ng K Magazine. Yung magazine ni Kris Aquino. Kasama n'ya sa cover sina Ogie Alcasid, saka yung mga band members ng Cueshe, Itchy Worms, Orange & Lemons at iba pa. I'm sure na matutuwa si Mary kapag nakita n'ya yun. And so Red and I met. Nag-bus na lang kami papuntang Makati, then nag-taxi papuntang The Fort. Pagdating sa The Fort, nakita namin kaagad si Tin.

Tumambay kami sa Pier One. Umorder ng beer at itong si Red, fruit shake ang inorder, super pa-sweet! Tinext ni Tin si Dwight or "callboi" (name n'ya sa forum). Hindi namin sukat akalain na pupunta siya. Na-excite kami, lalung-lalo na si Tin! Unang tingin ko sa kanya ay tama lang, kumbaga, straight. 29 na pala si Dwight pero hindi halata, mukha siyang bata. Sa Convergys siya nagwo-work at ang-decide na lang siyang maghalf-day. Nag-inuman kami at umorder ng sisig. Nag-kwentuhan about sa forum at kung anu-ano pa! Nag-aalala rin kami kay Mary kasi about 1AM wala pa rin siya. Siguro dumating siya mga 1:30AM, straight from their hotel room in Ermita. Ang sabi nila, from the airport, pumunta sila ng hotel, then ibinaba lang yung mga gamit nila then nag-punta sa The Fort para lang i-meet kami. Nakakatuwa si Mary. Kasama n'ya yung husband n'ya na si Ryu Yamashita. Japanese ang name pero marunong mag-Tagalog. Ang galing at ang cute! Tuwang-tuwa rin si Mary nang ibigay namin sa kanya yung K Magazine, yung maiden issue at yung 2nd issue.



Ang saya talagang maka-meet ng mga taong nakilala mo lang online. Ewan ko ba, pero since ma-meet namin yung mga forumers, starting with Tin, nadagdagan pa ng excitement ang buhay ko. After sa Pier One, kumain kami sa Chowking. Kaunting kwentuhan about showbiz then uwian na. Mabait yung mag-asawa. Sobrang bait, idinaan pa nila kami sa may Ortigas. Sabi ni Mary, one of these days daw ay susubukan n'ya kaming kontakin dahil may balak silang mag-Splash Island. Medyo wala na ang init ng araw pero feel pa rin nila ang summer.

Hanggang dito na lang muna. Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home