Thursday, June 01, 2006

Aya's Birthday

Yesterday, umattend ako sa birthday ni Alyanna Nicole or Aya for short. Second baby ni Honey at two years old na siya. Kasabay ng celebration ng birthday n'ya ay first birthday naman ni Ashanna, yung third baby girl ni Honey. Hindi naman po obvious na mahilig gumawa ng baby girl si Honey, hehehehe!

Nakakainis kahapon kasi yung mga dapat na kasabay ko, sina Nat at Joanna ay hindi nagparamdam. Mukhang tinulugan ako. After ko magpagupit at mag-internet sa Eastwood, nag-decide ako na pumunta ng office. Nakasalubong ko si Ben, yung dating officemate ko rin sa C-Cubed, ang ganda ng car n'ya in fairness, bagong-bago. Itong si Ben, nililigawan n'ya ako, pero ayoko sa kanya. Ano nga bang dahilan bakit ayaw ko sa kanya... hmmm.... basta, secret na yun, hindi ko gusto mga style n'ya, ah ewan, basta hanggang friends lang kami.

Going back sa mga nangyari, naabutan ko pa sa office sina Rico, JM at Chester. Good thing at may kasabay ako. Sabay sabay na kaming pumunta sa Marikina. Pagdating sa venue, ang dami na palang taga-office ang nandoon. Nandoon sina Sir Joey, Mam Elena, Myra, Jalou, Mike, July, Dennis (Raiden), Tessa, Annjo, Joy at sumunod din sina Bradley, Charlie, Irene Grace Silvosa (ang babaing laging mag 6 thousand pesos na Exceed), Hernz, Donna, Joanne, Joanna at Nat. Haaay, late ang dalawa. Mabuti na lang at hindi ko na sila hinintay. Grabe talaga ang birthday, may lasing pang nakipag-chikahan sa akin. Gusto n'yang ipakilala ko siya kay Joanna pero hindi umubra ang powers n'ya sa 'kin, hehehe!!!

Ngayon naman, kagigising ko lang ngayon at nagmamadali papuntang Cubao dahil pupunta kami sa piyesta kina Glenda sa Bulacan. Byers!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home