Tuesday, June 13, 2006

JP's Last Day In Manila

Pagod pa ako! Just came from ABS-CBN Compound. Hay, kakapagod talaga. Kanina, after ng shift ko, natulog muna ako sa office dahil imi-meet ko sina Red, Tin, Ahl and JP sa SM Megamall. Ang original plan ko ay pagkagising ko, didiretso na ako sa SM Megamall para kitain sila. Nagbago ang plans ko nang i-text ako ni JP na gusto raw nyang sumabay sa akin papunta sa SM Megamall. Gusto n'yang magkita muna kami sa SM North EDSA. So, instead na tumuloy agad ako sa Megamall, I decided na pumunta na muna sa SM North EDSA para i-meet ang cute na cute na si Papa JP. Nakakatuwa, ang plan kasi ay sila ni Red and magmi-meet and it turned out na sa akin nakipag-meet si JP, bwahahahahaha, poor Red!

Originally, 2PM ang kitaan namin sa Megamall. 3PM na nang magkita kami ni JP sa SM North EDSA. Naglakad kami sa SM papuntang North Station ng MRT. Sobrang init to the max talaga. Okay lang yun, kasama ko naman si Papa JP! No worries. Sabi ni JP, first time raw n'yang sumakay ng MRT. Nakakatuwa naman, first time n'ya at ako pa ang kasama n'ya, how sweet! Hallerrrr!! Pagdating namin ni JP sa Ortigas Station ng MRT, umuulan pala. It means na after namin magpawis sa kakalakad from SM North to MRT Station, nagbasa naman kami sa ulan.

4PM na nang makarating kami ng Megamall at doon na namin kinita sina Red, Ahl and Tin. Kumain kami sa Yellow Cab at umorder kami ng 18 inches na pizza, sobrang nakakabusog! Super kodakan kami doon, then umalis na rin si Ahl ng 6PM dahil nag-away pala sila ng asawa n'ya. Buti na lang, dumating si Oliver a.k.a. Nos. Siya ang kasama naming nag-billiards. Grabe, sablay-sablay ako kanina sa bilyar. Dati, nung college, feeling ko ay medyo magaling ako, ewan ko ba kung bakit nawala na ang galing ko ngayon???

Anyways, after mag-billiards, hinatid na namin si Red sa sakayan n'ya, then nag-decide kaming pumunta sa ABS-CBN para i-tour si JP. Pinakita namin sa kanya ang Big Brother House at tumambay naman kami sa Starbucks sa The Loop. Sumunod sa amin sa Jay. Puro kwentuhan lang ang naganap since wala rin naman kaming ibang gagawin. I hope nag-enjoy si JP sa pagpunta namin sa ABS-CBN dahil tomorrow na pala ang alis n'ya. Actually, he's supposed to leave yesterday pero hindi natuloy, so tomorrow na talaga siya aalis. Sobrang tahimik lang siya at hindi siya palakuwento. All throughout, puro kami-kami nina Tin, Jay at Nos ang nag-oopen ng topic. Okay lang naman yun, it adds mystery, hehehehe!!! Hay grabe, napagod talaga ako! Byers!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home