Moving On
Fresh na fresh ang aking feeling dahil bagong ligo ako. Ngayon lang ulit ako nakapag-post sa blog ko dahil medyo wala ako sa mood mag-post the past few days, alam n'yo na, medyo lutang at hindi pa nakaka-move on sa aking resignation.
Kaninang tanghali, nagpunta ako sa office para mag-pasa ng resignation letter. Dumaan muna ako sa Netopia para doon i-edit yung letter ko. Nag-internet din ako at the same time binuksan ko ang account ko sa Jobstreet. Nagki-click click ako ng kung anu-anong position like CSR at Travel Representative, kaya kanina, bago ako maligo, may tumawag sa aking lalake. He interviewed me for the position of Travel Representative. Wala akong idea kung ano ang isang travel rep, kaya ang sinabi ko na lang sa lalake ay 'it has something to do with tourism', grabe, naloka talaga ako. Hindi ko akalain na makakapasa pa ako sa phone interview. I'm not expecting this, kaya tomorrow, may appointment agad ako, 5PM sa RCBC Tower sa Makati. Goodluck sa akin! Oh sha, magbalik tayo sa nangyari kanina. Kina Lorie at MeAnne ko na lang ipinasa yung resignation letter na naka-address kay Sir Don since hindi pa naman siya dumarating, and besides, sinadya ko na rin na hindi na pumasok sa office. Baka next week na lang ako pumasok ng office along with Janice.
Ano nga ba ang nangyayari sa akin the past few days? Nung Sunday, sumama ako sa Team Building ni Oliver sa Laiya, Batangas. Hindi naman masyadong malayo ang place. Around 3 hours 'ata ang biyahe pero sulit naman dahil kasama ko ang mga friends ko. Kasama namin ang tatay ni Oliver na siyang nag-drive ng sinasakyan namin, kasama sina Oliver, Azenith, Maxene, Gel at Renan. Yung isang van naman ay kay JM. Doon sumakay sina Karen, Rico, Alice, Brooke, Glenda, Rennel a.k.a. Yao Ming, John, Cielo at Love Joy. Sumunod sa amin sina Sir Denich, Cid, Uno at ang nagda-drive ay si Edmond. Grabe, ang dami pala namin, 21 kaming lahat. In fairness, ang ganda ng lugar. Parang white sand siya at hindi ganoon karami ang tao. Sa isang container van lang kami nag-stay pero okay din naman dahil may aircon at kumpleto sa gamit. Nag-enjoy talaga ako sa outing na ito. May volleyball, may games (Pinoy Henyo), may inuman at may snorkeling din. Ang saya talaga, kahit paano, medyo nawala sa isip ko ang pag-alis sa C3.
For now, I'm trying to move on. Hopefully makahanap ako ng trabaho na babagay sa akin and at the same time, yung trabahong enjoy at hindi stressful. Susubukan ko rin na sumali sa Pinoy Big Brother Season 2! Humanda sila! Bwahahahahaha!!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home