Thursday, June 15, 2006

2nd To The Last

Magandang hapon po. Mamaya na ang second to the last day ko sa opisina. Desidido na akong mag-resign bukas! Sa totoo lang, hindi ganoon kadaling pagdesisyunan ang pagre-resign ko. I've been with the company for almost three years now, and yet napabagal ng progress sa career ko, at the same time, mababa pa ang suweldo. I need a greener pasture. Alam n'yo, everytime na iisipin ko ang pag-alis, it breaks my heart. Hindi na ako masaya sa ginagawa kong pakikipag-usap sa mga customers at iba-iba pa ang concern. Kaya lang, kapag nawala na ako sa C3, I'm sure, marami akong mami-miss. Yung mga friends ko and of course, yung trabaho mismo, kahit sabihin ko pang sukang-suka na akong mag-assist sa mga customers. Halos naging buhay ko na rin ang pagpasok sa C3.

So far, hindi pa ako nagsasabi kay Mother Gigi na magre-resign na ako. Wish me luck later! Wala pa rin akong resignation letter. Ewan ko ba! Sa totoo lang, kapag iniisip ko na siya, nalulungkot na ako, parang gusto kong umiyak na lang. Kapag nga pumapasok ako the past few days, para na lang akong lumulutang. Wala na ang drive ko para pumasok. Nakakatamad na. Feeling ko nga depressed na ako. Parang gusto ko laging may kasama. Haaay buhay! Napakahirap talagang iwanan ang mga tao at bagay na napamahal na sa'yo. (Emote mode lang, hehehehe)

Goodluck!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home