Sunday, June 25, 2006

I Won't Be A Housemate Anymore!


Good evening everyone!

Haaay, kung alam n'yo lang ang feeling ko ngayon! Medyo na-disappoint ako dahil hindi kami nakapag-audition sa Pinoy Big Brother Season 2. Sobrang late na kami dumating at sobrang dami ng tao na nag-audition. Sa SM South Mall ginanap ang last audition within Metro Manila. Pagdating namin doon around 1PM, akala namin kaunti lang ang nag-a-audition, ayun pala, sobrang dami. Siguro more than a thousand talaga. Iba't-ibang klaseng tao! May mga guwapo at magaganda, meron din namang chaka, at may mga weird din, hehehe. Medyo nakakapanghinayang pero wala na kaming magagawa. Kasalanan din naman namin yun, we should have come earlier. Ngayon alam ko na na dapat, kapag mga audition tulad ng sa PBB, dapat pala sobrang aga, or else, hindi na maganda ang mood ng mga judge at sobrang haba pa ng pila. Goodbye, PBB dream! Hindi na ako magiging housemate for now, hehehe! Nakita ko pa ang friend and schoolmate ko na si Ronald Faina. In fairness, ang layo na talaga n'ya, kasa-kasama na siya lagi sa Pinoy Big Brother!

Bye the way, ang mga kasama ko nga pala kanina ay sina Red, Tin at Mylene a.k.a. Vilma, a.k.a. Burubudur na jowa ni Oliver a.k.a. Nos, hehehe. Wala na kaming nagawa kung hindi i-enjoy na lang ang pagpunta namin sa Las Pinas. Pumunta kami ng Alabang Town Center. Okay naman siya pero hindi siya nalalayo sa Glorietta at Eastwood.

Siguro hindi lang para sa amin ang audition na ito, maybe God has bigger plans. Hehehe, pero siyempre, hindi naman iaasa lang dapat kay God, dapat ako rin mismo ang kumilos for my own progress, tama ba ako? Hallerrrr!!! Hanggang dito na lang muna, sakit na ng kamay ko. Bye!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home