Friday, June 30, 2006

Last Day Of June 2006

Good evening!

Kailangan kong gumising nang maaga bukas pero ayoko pang matulog, gusto ko pang mag-internet. Nakakawili ang forum. Sobrang naaadik na naman ako sa forum kahit nandito ako sa bahay.

Tomorrow, mag-aanak ako sa binyag ng anak ng pinsan kong si Cherry. Sa Navotas ang venue. First time ko atang makakapunta sa lugar na 'yon. Bukas rin ng gabi, may lakad ang mga forumers sa Esquinita pa rin malapit sa ABS-CBN Compound.

Kanina, nagkita-kita kami nina Janice, Red at Jam sa ex-workplace namin. Unexpectedly, dumating din si Eds, parang nagkaroon ng mini reunion ang mga nag-resign na forumers sa C3. Nakaka-miss talaga ang trabaho.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home