Esquinita Part Three
Magandang gabi po sa inyong lahat!
July 2 na po ngayon. Ang bilis bilis talaga ng panahon, malapit na ang birthday ko, 8 more days to go, 24 na ako!!! Waaahhh, ang tanda ko na pala. Grabe, magbe-bente kwatro na ako this July 10 and ngayon pa nagkataon na wala akong trabaho, ang hirap pala noh???
Eto ako ngayon, pagimik-gimik na lang, isa na akong tambay talaga. Isang couch potato. Kahapon, nag-ninong ako sa anak ni Cherry. Ang name ng baby ay Maecydien. Ang hirap i-spell at ang hirap din bigkasin. Sa Navotas ginawa yung binyag at reception, sa bahay ng asawa n'ya. Grabe pala doon, mahirap ang buhay at nagbabaha pa. Sa tabi lang ng dagat sila nakatira kaya ang sarap ng hangin pero hindi naman din ganoon kalinis yung tubig na nasa dagat dahil mahahalata mo naman sa kulay. Maswerte pa rin talaga ako kahit paano.
After sa binyag, kinagabihan, gumimik naman ako sa Esquinita ulit kasama sina Tin, Eds, Blue, Onin at Jay. Nagkita-kita kami sa ABS-CBN. Grabe talaga 'to, nakita ko si Josh, yung anak ni Kris kasama yung yaya n'ya. Nakita ko naman sa Esquinita si Bambbi Fuentes, yung make-up artist ni Kris, then sa panaginip ko naman last night, si Kris naman napanag-inipan ko. Ano ba yan, puro Kris. Talagang official Kris fan na ako, hehehehe.
Going back sa Esquinita, as usual, masayang kwentuhan ang naganap. It's the third time na nagsama-sama kaming mga forumers sa Esquinita. Naka-dalawang beer ako at umorder din sila ng Tumba, yun ang specialty drink sa Lena. Lena ang name ng bar na pinuntahan namin. Hindi ko type ang lasa ng Tumba, para siyang Mindoro Sling sa Puerto Galera. Ayoko kasi ang aftertaste ng mga ganong drinks. In fairness, naging at ease agad si Blue kina Jay at Tin. Mabuti na lang at nakasama siya, at least kilala na n'ya mga friends namin sa forum. Actually, member na rin siya ng forum. Another recruit hehehe.
Additional info of the day, ngayon ay nanalo si Manny Pacquiao sa Mano-A-Mano na ginanap sa Araneta Coliseum. He won against Oscar Larios.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home