Etchosa!
Magandang gabi Pilipinas!
Kaka-approve ko lang ng tatlong testimonials sa Friendster galing kay Mary, Chapz at dun sa isang hindi ko kakilala, ewan ko kung sino siya. Kakatapos lang din namin mag-usap ni Dennis. Gigimik kami later tonight, siguro around 12 midnight. May tinatapos pa raw siya. Ngayon na lang ulit kami nag-usap sa phone after how many years now. Mamaya, kasama rin namin sina Paul and Janjay. Ang mga long time friends ko na matagal ko na ring hindi nakikita.
It's July 8 today and sa July 10, tatanda na naman ako ng isang taon. I'm planning to hold the celebration on the 14th which is Friday. I've already talked with my friends Janice, Red, Dolly, Tin-Tin and Ivy. Naka-forum ko na rin sina Oliver/Nos and Vilma para maimbitahan din. Medyo excited na ako sa celebration dahil ngayon lang ako nagplano for my birthday na medyo kulang sa budget at medyo walang kasiguraduhan kung saan patungo. Mabuti na lang marami akong kaibigan na pwedeng tumulong sa akin.
Kahapon, nag-start na ako magpa-clearance sa C3 pero hindi ko muna tinapos. Kahapon ko rin nalaman na may laman pa pala ang ATM ko, meaning, I still have money to spend. Malaking tulong 'to for my upcoming celebration. Si Maxene ang nag-suggest sa akin na i-check ko pa rin and fortunately, may laman pa nga! Yesterday din ang orientation ko sa SITEL pero nakakalungkot dahil wala man lang cute! Walang inspirasyon! Hmmmmmph! Etchosssaaa!!!
Kaka-aliw talaga ang bagong expression na natutunan ko kay Tin. Yun ay ang "Etchosa!", ewan ko ba kung saan n'ya nakuha yun pero sobrang aliw talaga ako!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home