Monday, July 24, 2006

The Agent Training

Maaga ako gumising kanina, around 4 ng madaling araw dahil may agent trainng ako sa Ortigas about 6 in the morning. Gumising lang ako at bumaba, and then, sinabi ko sa sarili ko na super aga pa para mag-prepare ako, kaya ang ginawa ko, natulog ulit ako. Nagising ako around 5:15AM, 45 minutes na lang ang natitira kong time kaya naman, super rush din ako. Nag-shampoo lang 'ata ako at hindi na nakapagsabon dahil ayokong ma-late dahil first day pa lang namin with agent training at ayokong magkaroon ng bad impression ang aking trainor. Nag-taxi na ako papuntang Equitable Tower para hindi ma-late, and mabuti na lang, I arrived just on time!

O sha, tama na ang explanation ko. This will be routinary until Friday. Sa New York room kami ng TeleDevelopment naka-assign at ang aming trainor ay ang napakagandang si Miss Bambi. I don't know her last name. Sa tingin ko, medyo mataray ang dating n'ya kaya mas preferred ko pa rin talaga si Teri. Well, wala naman akong magagawa dahil siya talaga ang trainor namin.

Sobrang petiks kami the whole day dahil puro phone simulation lang. Naging ka-group ko sina Steph, CJ, Rod and Gilbert. We came up with an e-commerce type of business called "CraftStart.com". Si Bambi mismo ang nag-simulate sa akin and I think that I did it well, except for lack of empathy. Sabi n'ya, I should be more apologetic and I should empathize more with the customer. Overall assessment n'ya sa akin is good, I didn't hear her say very good. Ewan ko ba kung anong grade ko dun, bukas ko malalaman.

May assignment kami for tomorrow. Kailangan kong i-research ang Paypal, E-Bay and UPS. Muntik ko na makalimutan, kanina pala ginanap ang Miss Universe, at ang winner ay ang taga-Puerto Rico. Ang pangalan n'ya ay Zuleyka Rivera Mendoza, and she's only 18 years old, sobrang bata!!! Nalaman ko rin na siya ay isang actress sa Puerto Rico. Ngayon din pala ginanap ang SONA ni PGMA. Dedma lang ako sa politics, mukhang nagpa-plastikan lang yung iba sa kanila doon, parang nakikipalakpak na lang.

I need to run now and do the research, until next time. Ciao!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home