Where's Blue?
Haller!!!
It's August! Kumusta naman kayo d'yan? Nakakatamad ang panahon ngayon, nag-uuulan pa rin, sana ay wala na lang pasok. Wish ko lang!
Bago pumunta ng SITEL, dumaan muna ako sa C3 kasama sina Red and Blue (grabe, mga colors pala ang mga pangalan nila! bwahahahahaha!!! charoz!!!) Nag-drop by kami dahil naghanda si Mirasol ng kaunting salu-salo para sa mga agents na nag-end na ang contract. Konting kumustahan at chikahan pero super sandali lang talaga kami dahil napaka-traffic papuntang Eastwood.
First day ng Product Training namin for PayPal. Sina Jigz and Vince ang mga trainers namin. May mga kasama rin silang ambassadors. Hindi ako sure kung ano ba ang function nila sa operation ng PayPal pero part din sila ng team na magte-train sa amin all about PayPal. Ang first activity namin ay ang paggawa or pag-illustrate ng creature, a creature that will best embody a perfect or model CSR. Yung team namin nina Michie, Mon, Vi and Rhine ay ang Team Mulmul. Kung mapapansin n'yo, medyo unique ang name, hehehehehe. Ako ang nag-drawing at ang ginawa namin ay isang Octupus at ang name ng creature ay Love. Yan lang ang paraan para maalala namin ang dating clown ng class namin, si Love. Nakaka-miss siya in fairness. Now, going back, Octopus ang creature dahil nag-emphasize kami sa abilty ng CSR na mag-multi-task.
Regarding the training, wala pa naman talaga kaming dinidiscuss about product specifics. It's more on overview. Kasama na rin doon ang KBase (Knowldege Base). KBase is more like of a job aid found under one site. Para siyang Intranet with ABS-CBNi before pero mas complex ang KBase. Sa ngayon, hindi pa ako masyadong nadadalian sa pagnavigate ng facility na 'to pero siguro in time, madadalian na lang din ako. Meron na rin kaming kanya-kanyang Outlook. Yung ibang mga kasamahan ko ay familiar na sa bagay na 'to pero ako, first time ko pa lang siyang na-ecounter dahil wala naman kaming e-mail with ABS-CBNi before. Ang cool ng Outlook, may calendar and journal, I'm wondering, pwede rin kaya akong mag-post ng blog sa journal namin??? Teka nga pala, nakalimutan kong i-mention, biglang nawala si Blue sa training namin. Pinatawag siya during our first activity. Up to now, wala pa ring clear reason kung ano na ang nangyari sa kanya. Is he out or will he be taking another training??? That's the big question! Well, mas magandang manggaling na rin sa kanya since wala naman sinasabi ang mga trainers namin kung ano na nga ba ang nangyari kay Blue.
Hmmm...medyo nakakaantok talaga ang session namin pero sana mamaya pag pasok ko, nakapag-adjust na ang body clock ko. I gotta go now! Byers!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home