Sukob
Magandang hapon sa inyong lahat!
Sobrang recharged ang feeling ko ngayon dahil ang haba ng tulog ko. From 9PM last night until 9:30 kaninang umaga ay mahimbing ang sleep ko. Ang saya-saya! At least bawi na ako sa aking mga sleep credits.
Nandito ngayon si Red sa bahay. Dito na siya natulog after namin pumunta sa Robinson's Galleria kasama ang mga forumers.
Ano nga ba nangyari sa mga rest days ko? Nung Saturday night, nanood kami ng movie. Kasama ko sina Sir Don, Monet and Blue. Sukob yung dapat na panonoorin namin kaya lang fully booked na siya sa Eastwood Cinemas, tapos hindi naman siya palabas sa Podium and hindi na kami umabot sa Rockwell dahil 10PM siya nag-start at dumating kami 10:25PM kaya ang pinanood na lang namin ay Just My Luck ni Lindsay Lohan. We're lucky enough na naabutan pa namin ang start ng screening ng movie, kung hindi, hindi na nila kami papapasukin. Ang pretty ni Lindsay Lohan sa movie saka cute yung leading man n'ya. Cute yung story although parang imposibleng mangyari sa totoong buhay. After ng movie, pumunta kami sa Podium para mag-Starbucks. Chikahan kami nang kaunti about work at kung anu-ano pa. Then uwi na rin ng 1AM.
Yesterday, maagang tumawag si Red dahil manonood nga kami ng Sukob. Akala ko naman ay bandang hapon pa kami manonood, ayun pala, medyo maaga kaya no choice kung hindi bumangon na at magprepare. Kainis, 5 hours pa lang 'ata sleep ko, hallerrrr!!! Nagkita kami ni Red around 1:40 ng hapon sa North Station ng MRT. Nasa Galleria na pala ang mag-jowang Ate B at Nos. Tama lang ang pagpunta namin. 2:50PM ang start ng Sukob. Ang mga kasamang forumers ay sina Jay, Tin, Ate B, Nos and Ingrid a.k.a. Abuting sa forum. Grabe talaga, super tili kami sa loob ng sinehan kapag nakakagulat ang mga scenes. Sobrang nakakatakot talaga yung mga pinaggagawa ni Chito Rono and of course, super pretty si Kris Aquino. About the story, maraming loop holes pero I don't care that much since nakakatakot talaga siya. Don't you dare watch it alone. I'm sure hindi n'yo kakayanin, hehehehe. After watching Sukob, kumain na kami sa Kenny Roger's. Sobrang nabusog talaga ako. I don't know kung nabusog ako sa food na inorder ko or sa kakatawa dahil super pictorial kami doon sa loob ng restaurant.
Humabol si Onin pero it's too late. Tapos na kaming manood ng movie at kumain ng dinner. Nagpunta na lang kami sa arcade. Naglaro ng kung anu-ano at na-addict sa kaka-attempt na kuhanin yung mga stuffed toys. In fairness talaga with Tin, nakuha n'ya si Picachu.
O sha, hanggang dito na lang at ako'y maliligo pa. Pupunta kami ni Red sa C3 dahil balita ko ay may farewell party raw. Mamayang 9PM naman ang start ng Product Training namin with PayPal.
Ciao!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home