Jigz Is Good
Nakakaantok!!! Buti na lang at isinabay ako ni Marru papuntang Cubao. Parang babagsak na nga mga mata ko sa bus kanina. Pagdating ko dito sa bahay, nagpabili agad ako ng lugaw para busog ako bago matulog.
Sa totoo lang, medyo boring talaga ang training kanina. Walang mga games na nagaganap except sa usual points na ibinibigay nina Jigz and Vince kapag tama ang na-search sa KBase (Knowledge Base). Actually, nakadalawang tamang sagot ako kanina kaya medyo malaki na rin ang nai-ko-contribute ko sa group namin. Sobrang nakakagulat naman 'tong si Yoraya, napaka-active n'ya pagdating sa hanapan sa KBase hehehehe. Sa ngayon natututo lang ako kapag ginagawa namin nang actual yung mga dinidiscuss nila. Gumagamit kami ng dummy site para sa mga sample transaction. Natututo rin ako kapag nagre-refer sa KBase tsaka kapag nagdi-discuss na si Jigz. Sa tingin ko, magaling magturo si Jigz, it's just that, kailangan lang ng synchronize technique tulad ng ginagawa ng mga naging trainers namin sa TeleDevelopment. Another thing with Jigz, nung nag-break kami, tinawag n'ya ako, tinanong n'ya kung may natututunan naman daw ba ako, syempre sinabi ko na medyo malabo yung karamihan ng dinidiscuss. Mukha namang open siya sa mga concerns namin kaya sabi n'ya, okay lang daw na magsabi kami or di kaya ay mag-e-mal sa kanya. He even advised us to arrive at least an hour before our training for clarification on the topics we're discussing.
Up to now, wala pa rin kaming balita kay Blue. Mamaya, susubukan ko siyang tawagan para malaman kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya. Halos lahat sa office nagtatanong na about Blue!
Haaaayyy, inaantok na ako!!! Byers na!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home