Bago Kong Cellphone
Magandang gabi po!
Shet! First day ko mamaya sa floor. This time, hindi na ako makakapagtanong masyado sa mga ambassadors, kailangan ko nang mag-consult sa help desk. I'm nervous, at the same time, excited!
Kanina, nagpasama ako kay Red sa Greenhills para bumili ng cellphone. Siya ang katulong kong makipag-tawaran sa mga tindera. Kahit anong bola ang gawin namin, ayaw pa rin talaga nilang babaan ang presyo kaya wala akong nagawa kung hindi makipag-deal na lang 'dun sa may pinakamagandang offer. Brand new ang kinuha ko dahil hindi ako komportable na bumili ng second hand. Sabi ni Red, hindi raw guaranteed na brand new yung makukuha ko pero dedma na lang ako. Ang model na nabili ko ay Nokia 3230. First time ko nga lang narinig ang model na 'to. Since limited lang ang budget ko, effect na din yun. At least may pang-text na ako ngayon, ang kulang ko na lang ay load. In fairness naman sa nabili kong cellphone, nakakatuwa siya dahil may radio siya and pwede din akong mag-store ng mga MP3, so kahit hindi na ako bumili ng iPod, effect na talaga siya. Ang nakakainis lang sa nabili ko ay gawa siya sa China. Kahit nabago na ang language setting n'ya from Chinese to English, may mga parts pa rin na Chinese characters ang nakasulat tulad ng 'dictionary' feature n'ya. Hallerrrr, paano ko naman kaya magagamit ang dictionary kung Chinese ang lumalabas, hindi naman ako si Coco Lee para maintindihan 'yun, hmmmph!
Nakabili rin ako kanina ng 3rd issue ng K Magazine ni Kris Aquino saka bumili na rin ako ng universal remote control dahil hindi na gumagana ang remote ng TV namin. Napaka-inconvenient kasi kapag nanonood ako ng TV, ang hirap maglipat ng channel kapag control panel lang sa TV ang pini-pindot. O sha, hanggang dito na lang muna dahil papasok na ako, nag-text na sa akin si Donna, unfortunately, wala akong load kaya hindi ko siya ma-replyan. Ciao!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home