My First Month With SITEL
Magandang tanghali!
Oh my ghost! Pagod na pagod ako!!! Ang sakit sakit ng mga paa ko. Kakarating ko lang ng bahay dahil after ko mag-out from work, nagpunta ako sa HTMT or C3 para kuhanin sana ang back pay ko. Unfortunately, wala pa yung tao na magre-release ng mga cheques. Hay nako, kainis talaga! Imagine, out na ako ng 6AM and nagpunta ako ng 7AM sa C3 then naghintay mag-9AM tapos wala pa pala yung tao dahil around 11AM pa raw ang dating. Ano bang klaseng opisina yan??? Wala naman specific time sa pag-claim ng mga tseke. Basta ang alam ko, Thursday and Friday lang sila nagre-release 'nun. Hindi ko na lang hinintay.
Sumabay na ako kay Alhen pauwi. Kumain muna kami sa Wendy's at nag-chikahan. Grabe, isang large Frosty at dalawang Chili Rice yung inorder ko. Masarap pala 'yun. Ngayon lang ako nakakain ng Chili Rice. Yummy! Nung nasa Wendy's na kami, tinanong sa akin ni Alhen kung gaano na ako katagal sa SITEL, binilang ko, and na-realize ko na one month na pala ako, July 17 nag-start ang training namin and today is August 17. Nakaka-one month na pala ako! Congratulations to me and my batch!!!
Within one month, ang dami ko na ring na-accomplish, English Skills Training, Agent Skills Training, Product Training, Email mentoring at sa ngayon, nasa Phone mentoring na kami. Kanina nga, from 26th floor, bumaba na kami sa 25th floor kung saan naka-locate ang station ng PayPal sa Cybermall. Haaay grabe talaga, sobrang tahimik ang floor, parang walang nagsasalita. Ang laki ng difference sa atmosphere. Iba pa rin talaga sa C3, lalung-lalo na sa ABS-CBNi Station. Ngayon ko lang din na-realize na dalawang monitor pala talaga ang kailangan namin sa station sa sobrang dami ng dapat naming buksan like KBase, Admin Tools, staging account, Web Kana at kung anik-anik pa!
Kahapon pala, nakapag-apply na ako ng DSL sa Bayantel and next week na siya ikakabit. Excited na ako!!! Sa wakas, makakapag-upload na rin ako ng mga videos na ginawa ko sa Moviemaker. Sha nga pala, mga friends, pwede n'yo na akong i-text, pinagawa ko na rin yung keypad ng cellphone ko at bumili ako ng bagong battery kaya medyo naubos ang aking limpak limpak na kayamanan, etchozaaaa!!! Basta, kapag malaki-laki ang back pay ko, bibili na lang ako ng magandang cellphone.
O sha, aalis na ako at kailangan ko pang tawagan yung nagre-release ng mga back pay. Byers!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home