Saturday, August 05, 2006

Angel In Disguise

Good morning!

Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa si Precious. She's a super friend of mine back in college. We're super close that she tells me most of confidential things about her. Umutang siya ng 10 thousand at dalawang 2 thousand pesos sa akin pero hindi na n'ya ako binayaran. She won't reply or contact me whenever I ask for the money. In short, we lost communication. Hindi na siya nagparamdam sa akin. Almost 14 thousand pesos ang utang n'ya and nasa kanya rin ang 3310 kong cellphone. That's the reason why I can't believe it. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina. Ganito kasi yun, first 15 minute break namin, bumaba kami para mag-yosi. May nakita akong isang irregular classmate ko back in college. I forgot the name but I still know her and good thing is that she also remembers me. Then suddenly, nung tumapat na kami sa pwesto malapit sa 7/11, bigla kong nakita si Precious. Alam n'yo, bigla akong kinabahan and hindi ko alam ang gagawin. Medyo nag-init ang ulo ko at medyo na-praning din ako kaya panay ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba, ako na nga ang naisahan tapos ako pa ang takot. I'm not sure why. Siguro takot ako na baka biglang magkaroon ng di inaasahang eksena. It's very unpredictable. Baka bigla ko siyang iyakan, ah basta, ewan ko. Sa ngayon, magulo pa sa isip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Hahayaan ko na lang ba na ganun na lang yun now that I've realized na mahirap kumita ng pera, or hahabulin ko pa siya dun. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit siya umiwas bigla sa akin. Hindi naman siya ganon nung nakilala ko siya. Hay nako, looks can be deceiving. She's an angel in disguise! Tama na nga 'to, baka biglang uminit pa ang ulo ko.

Cool topic naman. Sa wakas, rest day ko na rin hanggang Sunday. Okay naman ang naging discussion kanina kaya lang, medyo na-bore na ako nung bandang huli. Hindi na ako nakikinig kay Jigz and nag-surf na lang ako sa eBay. Enjoy pala magtingin-tingin ng mga tinda sa eBay and hindi lang yun, enjoy din ako sa live chat ng eBay. Yun ang customer service nila. Kung sa ABS-CBNi ay may forum, dito naman ay may eBay kaya medyo enjoy pa rin naman, hehehehe. Kanina pala, nag-evaluate na kami ng mga trainer namin. Excellent ang rating ko kay Jigz pero kay Vince, medyo tagilid. Ewan ko ba, sobrang monotonous si Vince. Si Jigz naman, aside from being a good facilitator, nakakatawa rin siya minsan.

O sha, hanggang dito na lang, antok na ako. Mamaya, gigising ako ng 3PM dahil pupunta pa ako ng Club 650, opening ng HTMT Volleyball Tournament. I'll be there to support!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home