My New Headset
Ola!!! Buenos dias!!! Como esta???
Grabe ang email mentoring namin kanina, kanya-kanya na ang pagre-reply sa email. Ang hirap pala 'nun. Mukhang madali lang siya dahil karamihan ng sagot ay nasa KBase na pero mahirap pa rin dahil maraming article sa KBase ang pwede mong gawing sagot kaya lang, you'd have to decide kung ano ang pinakamalapit na answer based on the customer's question. Ewan ko ba, wala naman sa contract namin 'yang email support na 'yan, well... mukhang wala na kaming magagawa, and'yan na 'yan eh. Basta, sobrang sumakit ang mata ko sa kakatingin sa monitor and of course, sumakit din ang ulo ko sa kakaisip at kakaintindi sa mga wrong grammar, wrong spelling at mga unorganized ideas ng mga customer, hmmmmph!!!
Anyways, nakuha ko na rin kanina 'yung headset ko. Ang tatak n'ya ay Sennheiser, never heard! Ang alam ko lang na brand ng headset ay Plantronics. San ba nakuha ng SITEL yan??? In fairness ang mahal din n'ya. Biruin mo, kapag nawala ng agent yung headset, kailangan n'yang magbayad ng Php5,750.00. Ibang-iba sa C3. Sa C3 nga kapag nawala, dedma lang sila, nagpo-provide agad ng panibago. Yung headset na nakuha ko ay mukhang luma. Nag-compare kasi kami kanina nina Dennis and Mon. Yung sa kanila, may kasamang black bag kung saan ilalagay mo yung headset at hindi lang 'yon, may parang rainbow tag pa yung sa kanila, samantalang yung sa akin ay wala. Luma nga siguro 'yung binigay nila sa akin, kainis!
Sa ngayon, nakikinig ako ng 'Get Into The Groove' ni Madonna tapos kakapanood ko lang ng movie ni Roderick Paulate, they're both about the 80's. Hindi ko na tinapos yung movie sa CinemaOne pero sobrang nakakatawa talaga si Roderick. Grabe, mas nakakatuwa pa rin talaga yung mga movies noong late 80's. Yun ang time na sobrang 'in' ang mga comedy movies nila Maricel Soriano, Roderick Paulate and Manilyn Reynes. Haaayyy, those were the days! Charoz!!! Hindi ko alam kung ano ang title ng movie ni Roderick na 'yun, basta yun yung movie na kambal sila. Yung bading na Roderick, nagiging si Rita Avila and yung macho na Roderick ay nagiging si Jestoni Alarcon kapag uminom sila ng magic potion. 'Yun ba yung 'Bala at Lipstick'??? Did I get it right? Ang naaalala ko lang ay yung mga names nilang kambal, si Kiko at Kikay. Ewan ko ba, super talagang nakakatawa si Roderick, ang galing n'yang comedian. Siguro, kung may binebenta na video collection ni Roderick, bibilhin ko 'yun. Grabe, sobrang nakakaaliw siya in fairness.
O sha, mukhang medyo mahaba-haba ang nai-type ko ngayon. Baka umalis pa ako mamaya dahil mag-aapply sana ako ng DSL sa Bayantel and gusto ko rin mag-open ng BPI Express para may savings naman ako kada payday. Ciao!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home