Friday, August 11, 2006

92% For The Finals

Good day!

I'm so happy dahil nakapasa ako sa final exam namin kanina. Honestly, hindi ako umaasang makakapasa sa first take dahil marami pa akong hindi naiintindihan sa PayPal. Syempre, ginawa ko ang lahat para makapasa. Super search ako sa mga KBase articles and nag-consult din ako sa help link ng PayPal website. Meron ngang question kanina sa exam about Seller's Protection Policy and nakuha ko yung sagot sa pag-browse sa napakahabang article sa PayPal website. It took me a while bago ko nasagutan yung item na yun. By the way, ang format pala ng exam ay 50 items, composed of multiple choice and true or false. Bale may 100 questions pero since 50 lang ang kailangan, random ang mga questions na lumabas sa exam. Pinagigitnaan ako ni Mon and Dennis kaya hindi mahirap para sa akin na magtanong ng mga correct answers. Fortunately, nakapasa naman ako and apat lang ang mistakes ko, 3 of those are questions about PayPal Canada. Yung iba, nag-retake ng exam dahil hindi sila nakapasa nung una. 92 ang grade ko. Ang galing nga ng exam, computerized! Right after you sumitted, meron agad instant rating so you'd know kung pasado or bagsak ka. 90 ang passing kaya parang sobrang taas ng standard, hmmmmph!

Kanina, nag-start na ang discussion with ambassadors. Mentoring na namin tomorrow wherein the ambassadors will set a sample e-mail reply, pero ang gagamitin this time ay live accounts kaya medyo crucial siya. Nakuha na rin namin ang pay slip namin for this cut-off. Mamaya na ang suweldo kaya masaya na ako dahil mabibili ko na ang mga kailangan ko. Actually, na-disappoint ako dahil I'm expecting a higher amount pero okay lang yun dahil wala pa namang night differential yung kinita namin ngayon. I just wish na mas malaki na sa upcoming salary.

O sha, ciao!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home