Monday, August 07, 2006

Congratulations ABS-CBNi!

Good afternoon!

Nagpe-prepare na ako papuntang office while I'm writing this blog post. Haaay, Monday na naman! 5 days straight na naman akong papasok sa office.

Last Saturday, nagpunta ako sa opening ng volleyball tournament ng HTMT formerly known as C3. Syempre, I'm there to support my friends from ABS-CBNi team. Nakalaban nila ang Chevron and fortunately, we won! Congratulations! Actually naka-set na sa isip ko na sila ang mananalo kaya I'm no longer surprised although last year talaga, natalo kami ng Chevron kahit 5 players lang ang meron sila. Enjoy sana maglaro kaya lang I'm no longer employed by HTMT pero kahit hindi ako part ng game, enjoy pa rin dahil super cheer naman kami. Nakakatawa nga eh, yung kalaban namin sobrang ayos mag-cheer as in they don't boo the opposing team, di tulad sa ABS-CBNi, kapag nasa kalaban ang bola, we boo them and say "wala" kapag nasa part na ng kalaban ang bola. In fairness, marami pa rin ang sumuporta sa ABS-CBNi. Yung iba, kahit resigned na nandoon pa rin and that includes myself. Nandoon din sina Anthony, Blue, Daphnie at Ate MeAnn na kakaresign lang recently. FYI lang din, nandon din si Mam Miriam, si Sir Don, missing in action.

After ng game, nagpunta kami kina Maxene. Ang dami namin doon. Let me enumerate. Nandoon sina Mabz, Azenith, Jepoy, Blue, Veron, Mervin, Strasse, Gel, Gigi, Nat, Rico, Chester, JM, El Cid at ang first time naming nakasama sa mga ganitong lakaran, si Danny. 17 kami lahat sa bahay ni Maxene. Ang dami pala! Nag-inuman kami and buti na lang, may magic sing sina Maxene. Syempre, sobrang nag-enjoy na naman si Mervin sa kakakanta. Nakakamiss din yung mga get together na ganon. Imagine, almost 3 years din ako with ABS-CBNi. Nag-emote pa nga si Azenith at bigla siyang naiyak. Si Veron din, mukhang gusto n'yang umiyak pero ayaw lang tumulo ng luha n'ya. Ang dami na ng mga issues sa account namin. Sa ngayon nga, hindi ako sigurado kung ano ang status ng ABS-CBNi sa HTMT. I've heard them say na hindi sila sure kung aabot pa ng December dahil October ang renewal and yung mga supervisors ay magiging agents na lang. I thought stable sila sa HTMT. Goodluck na lang!

Yesterday naman, wala naman akong ginawa kung hindi matulog buong maghapon. 5PM na nga 'ata ako nagising. Then nanood lang akong ng TV at nag-internet buong magdamag. May napanood ako sa Lifestyle Channel, ang title ng show ay "Who's Wedding Is It Anyways?". Pinakita dito yung pagpa-plano ng commitment ceremony ng dalawang lalake or should I say gay men. Para rin siyang totoong kasal except for the entourage and ceremony. Meron din silang exchange of vows and 'cutting of the cake ceremony'. Basta, simple lang yung kasal-kasalan nila. Hindi naman diniscuss dito yung mga legal aspects, it's more on organizing the event itself.

O sha, hanggang dito na lang at ako'y aalis na rin maya-maya. Ciao!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home