Tuesday, August 15, 2006

Monday Sickness

Hay nako, sobrang tinatamad talaga akong pumasok kagabi. Feeling ko ay bitin ang dalawang rest day na magkasunod. Kung sa bagay, late na ako umuwi nung Saturday dahil nag-inuman kami sa Brown Paper Bag and umalis nga naman ako nung Sunday dahil nanood ako ng volleyball. Parang nasanay na 'ata ako sa previous work ko, yung tipong naging hobby ko na ang mag-sakit-sakitan every week. Monday sickness as we call it.

Hanggang kailan kaya yung schedule namin na 9PM-6AM??? Medyo nagsasawa na rin ako. Wish ko lang ay medyo late na ang pasok, let's say around 11PM. Sana ganun na lang. Kung 9PM kasi, hindi na ako nakakapanood ng mga favorite shows ko sa TV and yung uwi ay masyadong maaga. Gusto ko sana yung tipong mga 8 or 9 in the morning ang uwi para maabutan ko ang office hours para makuha ko na ang back pay ko sa C3. How I wish na magkatotoo 'to!
Kanina, hindi naging boring ang shift dahil puro e-mail mentoring lang kami. Hindi naman siya ganoon kahirap pero medyo nakakalito yung ibang cases. May mga cases na aakalain mong dapat i-route sa ibang department, ayun pala, kailangan mong mag-reply. Meron namang mga cases na sa unang tingin mo ay sobrang hirap, ayun pala, hindi na kailangan pang sagutin. Magka-buddy kami ni Brian Solis kanina and medyo unti-unti nang lumilinaw sa akin ang lahat. Yung mga itinuturo nina Jigz at Vince the past few weeks ay naiintindihan ko na, slowly but surely.


Well, well, well.... nagbabalak na kami ng brother ko na kumuha ng DSL sa Bayantel para naman hindi lagi busy ang phone kapag nag-i-internet kami, and of course, para mas mabilis ang surfing and para makapag-upload na ako ng mga videos na ginawa ko! Bwahahahaha!!! Ako ang magbabayad ng initial payment and maghahati na lang kami sa monthly subscription. The rate is not bad, it's actually affordable. Kaya kayo, if you wanna get a faster connection, I suggest, magpa-DSL na lang kayo, ok???

Ciao!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home