Sunday, August 13, 2006

Go Red Horse!!!

Good evening everyone!!!

Kakarating ko lang ng bahay, medyo pagod pa ako habang tina-type ang blog entry na 'to. Nanood ako ng match ng ABS-CBNi against AMEX. Sayang at hindi sumama si Red, nandoon pa naman ang crush n'yang si JM! Siyempre, ano pa nga ba ang resulta, eh di nanalo ang ABS as expected, charoz!!! Ang ganda ng laban kanina, umabot hanggang third set. In fairness, malakas talaga ang AMEX ngayon dahil ang daming magagaling sa kanila. Sa sobrang dami ng magagaling, ayun, nagkakahiyaan sila sa pagkuha ng bola. Natalo tuloy sila dahil napakarami nilang error, and of course, magagaling pa yung mga nakalaban nila, kaya umuwi sila nang luhaan! Bwahahahahaha!!! Wish ko lang ay walang nakakabasang taga-AMEX sa blog ko. Anyways, ang galing ni Jepoy, ever energetic sa court, panalo kahit walang contest! By the way, ang name pala ng Team ABS-CBNi ay Red Horse. Bakit kaya 'yun ang name nila eh hindi naman mahilig sa Red Horse ang mga yun? For all I know si Rico at Renan lang mahilig sa Red Horse.

Pag-uwi ko, nagsabay na kami ni Gel sa jeep at pagdating ng Cubao, dumaan muna ako sa Shopwise. Bumili ako ng mga VCD's para mapanood ko kapag may free time ako. Ang mga nabili ko ay "13 Going On 30" starring Jennifer Garner, "Crossroads" starring Britney Spears and "If Only" starring Jennifer Love-Hewitt. Sobrang nakakaiyak ang story ng "If Only" kaya gusto ko siyang ulit-ulitin kapag senti-mode ako, etchoza!!!! Kahapon, bumili rin ako ng VCD sa Odyssey. I bought "Land Of The Dead" and "Kill Bill Volume 2" starring Uma Thurman. Kaya ko binili yung "Land Of The Dead" dahil mahilig ako sa mga zombie-themed movies. Sa tingin ko, 'tong movie na 'to ang magandang panoorin after watching "Dawn Of The Dead", which is one of my favorite movie. Yung mga zombie sa "Land Of The Dead" ay medyo slow kumilos unlike sa "Dawn Of The Dead" na sobrang hyper at wild. Ewan ko ba, I enjoy watching zombies! I enjoy watching a lot of carnage scenes! Yung "Kill Bill Volume 2", ang galing din. Tulad nung first volume, sobrang ganda rin ng mga action scene, less the animation. Medyo kadiri yung part na dinukot ni Uma Thurman yung kaliwang mata nung nakalaban n'yang girl na wala na yung left eye. Ang galing kasi wala na siyang mata after, wala na siyang laban, she's a loser, bwahahahaha!!!

Kahapon pala sa work, nalaman namin na hindi na makakapagpatuloy sa training sina Gilbert and Rod. Michie is so sad about it kasi naman, super bestfriends talaga sila. Hay nako, ganyan talaga ang life. Si Blue nga eh, nalaman ko lang kanina na official nang terminated ang kanyang contract. Haaayyy, life must go on for each and everyone of us. Now, going back, pagkatapos ng mentoring namin, uminom kami sa brown paper bag. Nagbigay si Brian Solis ng 500 pesos pang-share, oh di ba, ang yaman! Grabe nga eh, bago ako uminom kumain muna ako, kaya nung mejo nakakadalawang bote na ako, hininto ko na dahil feeling ko ay masusuka na ako. It's one of the worst feelings I've felt during sessions like this. Iba talaga, para ba akong pinagpapawisan ng malamig. Kaya ayun, nag-stop na ako saka nagyaya na rin akong umuwi, pero bago ako umuwi, dumaan na akong Shopwise para bumili ng mapapanood ko sa mga rest days ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home