Sunday, August 27, 2006

Will I Survive?

Good morning!!!

Kakakausap ko lang kay Red sa phone dahil may plano kaming umalis later. Sa wakas at rest day ko na rin. I'm happy because even though I know that I'm one of the weakest link among the trainees, I was able to pass! Hooray!!! We all passed the final evaluation. Actually, kanina nung nagha-handle kami ng mga calls, sobrang dadali ng mga transaction ko. Karamihan ng calls ay less than 10 minutes lang, pero nung time na ine-evaluate na ako, halos abutin ako ng isang oras. Isa sa mga training manager ang nakinig sa call ko, mabuti na lang, nasa kalagitnaan na ako ng call. Ang concern ng customer ay tungkol sa pagbabayad n'ya sa eBay item na napanalunan n'ya sa isang auction pero hindi n'ya alam kung paano kaya tinuruan ko siya. Ang problema sa customer ko, hindi siya marunong gumamit ng internet at hindi rin n'ya alam ang mga simpleng term tulad ng 'browser', 'domain' at kung anu-ano pa, para tuloy akong nagsasabi ng mga jargon sa customer. Halos naiiyak na nga yung customer ko dahil sobrang frustrated na siya kaya wala kaming nagawa kung hindi i-transfer siya sa escalation. Hay nako, mabuti naman at walang pangit na feedback yung nag-evaluate and sobrang apology naman ang binigay ko sa customer dahil hindi ko talaga ma-resolve yung problem n'ya. Halos abutin na ako ng isang oras sa call na yun.

After that, nag-lunch kami. Nilibre kami ng mga trainors namen. I know it's SITEL's expense, sabi nila, since ready na kami mag-floor by tomorrow, nag-treat sila. Nilibre nila kami sa Something Fishy, yung breakfast buffet nila dun. Pagbalik namin sa station, si Tin naman ang nag-evaluate sa akin. Madali lang ang call, all about password recovery pero may part na nahirapan ako dahil mali yung pagkakaintindi ko sa article sa KBase. Bakit kaya ganun??? Everytime na pakikinggan nila yung call ko, lagi akong may sablay. Malas talaga, hmmmmphhh!!! Anyways, tapos na naman ang lahat. Ready na kami mag-floor. Hati kami sa dalawang team. Dalawa lang ang ka-team ko, sina Sage and Donna, and the rest magkaka-team na silang lahat. I dunno why! Dahil ba kami ang weakest link??? Well, ewan ko ba. Magaling naman si Sage. Ang schedule ko ay 2AM-11AM. Not bad! At least hindi na ako male-late dahil wala naman traffic ng madaling araw. Ang rest day ko naman ay Sunday and Monday. Okay na rin yun dahil free ako ng Saturday night. Bago kami umuwi, nagkaroon kami ng short discussion with Martin Anastacio and Donna Sales, they're the big bosses of PayPal. Martin used to work with C3 kaya familiar ang face n'ya, about Donna, mukha siyang lasing habang nagsasalita! Bwahahahahahaha!!! Peace tayo 'mam!

Pagkatapos ng training namin, nag-inuman kami sa Sizzling ek ek sa may Monark. Kasama namin ang mga trainors and ambassadors except for Jam. Grabe nalasing si Donna Martin (my batchmate) at sobrang naglabas siya ng kanyang sama ng loob. Napaiyak pa nga siya eh. Well, halos lahat naman 'ata kami ay may kanya-kanyang sentiments pero syempre silent na lang ako baka magka-personalan pa. Haaayyy, makakahinga na ako ngayon dahil naka-survive ako sa training. Ang tanong na lang ay, will I survive PayPal??? O sha! I'm so happy dahil makakagala ako later. Byers!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home