Friday, August 18, 2006

Felix Luna

Hallerrrr!!!!

Thank God it's Friday! Last na pasok ko na naman for this week. Long weekend, wala kaming pasok ng Monday dahil kay Ninoy kaya medyo mahaba ang pahinga ko. Haaayyy sa wakas, I can finally breathe fresh air, charoz!!!

Phone mentoring pa rin kami pero kanina, hindi lang kami nakinig ng call, sumagot din kami. Dalawa nga 'yung sinagot ko eh. Yung first call ko, ang name ng customer ko ay Felix Luna, he sounds Filipino. Actually mami-miss ko ang mga Filipino customers dahil karamihan ng kausap ko dati ay mga Pinoy and this time, majority ay American na. Hindi ko siya na-assist dahil restricted yung account n'ya kaya tinransfer ko siya sa Resolutions Department. Yung next caller ko naman ay si Mr.Ernst. 'Di ko maalala last name n'ya. This time, medyo madali ang concern n'ya kaya hindi ako nahirapan. It's all about instant transfer.

After ng shift, natulog muna ako sa sleeping quarters sa 26th floor. Hindi maganda ang sleeping quarters nila unlike sa HTMT na malaki at malamig. Juice ko, 'dun sa SITEL, ang liit ng space at napaka-init pa. Sobrang lakas pang humilik ng katapat kong kama.

Around 10AM, gumising na ako at nagpunta na ako sa HTMT para kuhanin ang back pay ko. Sobra ako bad trip. Napaka-liit ng back pay ko. Tamang-tama lang pambili ng cellphone. Kainis!!! Bitter ako sa nakuha ko! Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang ganoong computation pero sa tingin ko, mas malaki dapat ang nakuha ko since halos 3 years akong nag-work sa company. Haaaayyy nako, leche talaga, hmmmmmphhh!!!

Well, anyways, my natuklasan din ako kanina nung nagpunta akong HTMT. Nalaman ko kay Oliver na ikakasal ngayon si Mam Elena. Haaayyy grabe! Parang gusto kong umiyak dahil natutuwa ako para sa kanya. Imagine, ang tagal na rin n'ya sa ABS and siguro naman, it's about time para magpakaligaya siya. Congratulations na lang kay Mam Elena, pero siyempre, secret lang pala 'to. Kaya kung may taga-ABS na makakabasa nito, please don't tell her na nabasa n'yo dito, ok???

O sha, aalis na ako at may pasok pa ako ng 9PM mamaya. Byers!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home