Telechika
Hallerrr!!!
Walang magawa! Papasok na naman ako mamaya, kainis! Tinatamad na akong pumasok, hmmmmph! Rest day ko kahapon dahil kay Ninoy, it's holiday.
What's new? Ang dami kong friends na nakausap ko sa phone the past three days, sina Dolly, Janice and Red. Ano nga bang pinag-usapan namin? With Dolly, tinawagan ko siya nung Sunday para sana manood ng volleyball kaya lang nalaman ko na nasa hospital pala ang mommy n'ya kaya it's not a good timing. Magkikita dapat kami that day pero nakatulugan ko na siya, sorry. With Janice naman, pinag-usapan namin yung referral fee na makukuha n'ya sa pag-refer n'ya sa akin, share kami, 50-50. Sinabi rin ni Janice na free siya sa Saturday kaya pwede kaming umalis kasama mga forumers. Ewan ko lang kung matutuloy dahil may pasok pa ako ng Saturday night, bad timing again. With Red, syempre, chikahan about forum at nagpa-plano kung saan ang susunod na lakad naming magkakaforum. Actually bago ako mag-online ngayon, kakakausap ko lang kay Red. Sha nga pala, nakalimutan kong i-mention si Badette. Tumawag siya kanina sa akin dahil concerned lang siya sa akin. Kung ano man 'yon, amin-amin na lang, hehehehe!!!
Ano nga bang nagawa ko nung rest day ko? Wala naman masyado. Nakagawa ako ng apat pang video presentation. Ang mga tracks na ginamit ko sa Moviemaker ay "All The Years" by Carol Banawa, actually ginawa ko rin yung Tagalog version which is "Noon At Ngayon". Meron 'ding "Abot Kamay" by Orange And Lemons which is very cute dahil karamihan ng nasa video ay love teams sa ABS. Gumawa rin ako ng video ni Veron, "I'll Remember" by Madonna and para kay Maxene ay "I Know" by Yasmien Kurdi dahil siya ay super sweet.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home