Tagaytay
Haller!!! Good evening!
Ang sarap ng tulog ko kanina pero gusto ko pa ulit matulog dahil hindi ko pa nababawi yung mga nawalang tulog ko kahapon. More than 24 hours akong walang tulog dahil kahapon, after kong mag-overtime, umuwi lang ako ng bahay tapos sinundo na rin ako ng Papa ko sa bahay kasama ang stepmom ko saka si Mico dahil pumunta kami ng Tagaytay. Kasama namin yung Lola at mga tita ko from Makati. Nagpunta kami ng Picnic Grove para mag-horse back riding yung mga kids na kasama namin then kumain kami sa Teriyaki Boy doon sa may area na kita yung Taal Volcano. Bumili din kami ng Poinsettia plant sa tabi-tabi. Kulay green pa yung dahon ng binili namin dahil sobrang mahal yung may red na dahon. Imagine, P250 yung isang paso nung Poinsettia na kulay red yung dahon tapos P50 lang yung hindi pa pula. Sabi naman nung nagtitinda, anytime soon pupula na yung dahon dahil December na kaya yun na lang ang binili namin, hallerrrr. Grabe ang temperature sa Tagaytay, sobrang lamig. Bukod sa napakalakas ng hangin, may kasama pa siyang ambon. Pupunta din kami dapat sa isa sa mga kumbento sa Tagaytay kaya lang hindi na natuloy dahil wala na kaming oras.
Naka-uwi na kami around 7PM dahil sobrang dami ng sasakyan palabas ng South Luzon Expressway tapos another traffic na naman sa EDSA. Hindi na ako natulog dahil nag-commit ako ng overtime hours mismo kay Sir Nathan. Pumunta ako ng ABS-CBN around 8PM at nakipagkita muna ako sa mga friends kong sina Tin, Jay, Red at Victor. Galing sila ng Sunken Garden and to end that day, nag-Starbucks sila sa may Loop. Hindi ako nakapag-stay nang matagal dahil bigla akong nakita ni Sir Nathan kaya naman, imbes na magpa-late ng isang oras sa overtime, napilitan akong pumasok nang maaga, hmmmmph!!!
In fairness, sinuwerte talaga ako sa overtime ko last night. Naka-tatlong EP ako at ang total ng balance na na-move ko for the day ay $3,700. This is the best so far among my overtime shifts. Sa ngayon, nakaka-catch up na ako sa quota na $22,500. Ang saya-saya kaya naman umuwi ako ng 6AM with a big smile on my face! Etchozzz!!! Iniwanan ko na yung mga ka-team ko na nag-overtime din. Kanina pala, pagkagising ko, naabutan ko pa ang The Buzz. Ikinasal na si Nene Tamayo, yung big winner sa Pinoy Big Brother Season 1. Napangasawa raw n'ya yung naging partner n'ya sa U Can Dance, I'm not sure kung 'yun nga dahil sinabi lang sa akin ni Ate Fanny. Grabe naman yun, sayang naman. Baka lalo siyang mawalan ng career n'yan. Anyway, goodluck na lang sa kanya. Just a small dose of chismis.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home