Sunday, November 19, 2006

Team Building Sa Pampanga

Magandang hapon!!!

Grabe, ang galing ni Manny Pacquiao! Congratulations!!! Tatlong rounds lang daw at napabagsak ni Manny si Erik Morales. Nasa mall ako kanina pero kahit saan man kami mapunta, may TV na pinapalabas ang coverage ng Channel 2. Actually, bago pa man matapos yung match sa Channel 2, dineclare na sa buong mall na si Manny Pacquiao nga yung nanalo and after that, sunod-sunod nang pinatugtog yung mga kanta ni Manny.

Nagpunta ako sa mall kanina kasama ang aking dalawang younger brothers, sina JR and Mico. Kumain kami sa Sbarro, grabe ang dami kong nakain na baked zitti kaya lang nakakainis, nung umiinom ako ng Coke, medyo dumulas sa kamay ko yung cup at natapon yung iniinom kong Coke, hmmmmph!!! Hindi naman ako masyadong nag-eskandalo pero grabe ang daming natapon. Pasyal pasyal lang kami doon. Bumili kami ng apat na galon ng pintura na kulay Baguio Green, ewan ko ba kung saan gagamitin yun, napakarami! Bumili din ako ng Pantene Glossy Shine kasi naman, lately, napapansin kong para akong star na walang kinang, charozzzz!!!
Nung Friday, nagpunta ang Team Fantastics at Team Catwoman sa Pampanga para mag-team building. Nag-meet kaming lahat sa Janero after ng shift. That time, kasama ko rin sina Tin, Red and Jay. Sinamahan nila akong maghintay sa Janero and at the same time, para na rin magbigay ng moral support, etchoz!!! Medyo late na yung alis namin dahil hinintay pa namin sina Bernice at Rye na naging cause of delay, hehehe!!!
Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin. Villa Alfredo yung name ng resort. In fairness, ang ganda ng place and maganda yung tinuluyan naming hotel. First class yung dating. Sayang nga lang at hindi ko man lang napicturan yung place dahil iniwan ko na yung camera sa loob ng room namin. Ang daming foods na hinanda. Hindi ko feel yung inuman namin that night dahil walang yelo kaya naman hindi rin ganoon kasaya yung iba dahil hindi sila makainom ng beer na hindi malamig.

Kinabukasan, dun lang ako nag-swimming dahil sapilitan nila akong hinila sa pool. Wala na akong nagawa kaya ayun, nakapag-swimming ako nang wala sa oras. In fairness masaya yung outing na yun.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home