At Last! I Saw Charmel
Good afternoon!
Kakatapos ko lang makipagchikahan kay Red sa phone, as usual, updates about our friends and forum buddies. Chinika n'ya sa akin na naka-check in pala 'tong si Tin sa isang 6 star hotel (etchoza!!!) at ini-invite pa kami kaya lang mukhang wala masyadong time sa ngayon. Bahala na sa mga darating pang araw.
Kanina sa shift, wala na si TM Anne, kahapon kasi pumasok pa s'ya. I'm not sure kung kelan ang balik 'nun. Naka-isang EP lang ako kanina at ang balances moved ko pa lang ay nasa $3,000 plus pa lang, ang kailangan namin ay $6,000 plus until the end of this month so it means na kailangan ko na talagang mag-overtime para makahabol ako sa goal. Yung ibang mga ka-wave ko na maaga ang schedule, halos lahat sila'y naka-abot na samantalang kaming nasa 2AM shift hirap na hirap maka-EP since nanggaling na sa kanilang lahat yung mga calls namin hmmmmph!
After ng shift, habang hinihintay namin ni Bernice si Mommy Cath, bigla naming nakasalubong si Charmel at Angel ng 26 K sa Deal Or No Deal. Grabe, hindi ko man lang natawag 'tong si Charmel. From the very beginning, tuwang-tuwa na ako sa babaeng 'to dahil nung una, hindi ko talaga ma-appreciate yung ganda n'ya, parehas sila ni Angel. Hindi maganda ang rehistro nila sa TV pero nung nakita ko sila kanina, magaganda naman pala pero sa totoo lang, medyo may pagka-siopao yung mukha ni Charmel. Sayang talaga at hindi ako nakapagpa-picture dahil sobrang pino-promote ko siya sa forum ng Pinoycentral, bwahahahaha!!!
Okay, enough of Charmel. After ko sa ABS-CBN, nagpunta na ako sa SM North. Bumili ako ng jeans at jacket sa Solo. Isa siyang boutique na nasa taas ng SM Hypermarket. In fairness naman, hindi siya ganoon kamahal compare sa ibang mga retail stores ngayon. Ang cute cute pa ng nabili ko. After that, nagpagupit na ako sa SM Carpark. Grabe yung naggugupit sa akin, si Len, medyo may pagka-ulyanin na 'ata, hindi na n'ya ako matandaan samantalang pang-apat na beses ko na 'atang nagpapagupit sa kanya, hallerrrr. Ayun, hindi ko na siya binigyan ng tip dahil pang-taxi ko rin yun. Bumili din ako ng mga blank CD's saka yung VCD ng Amityville Horror. Since malapit na ang Halloween, nagbibibili na ako ng mga horror movies para mapanood kapag walang magawa. I'm a big fan of horror movies. Yung mga blank CD's naman, ipagbe-burn ko si Maxene nung mga videos na ginawa ko para 'pag dinalaw ko siya sa hospital this Saturday, may gift ako sa kanya.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home