Sa Wakas, Naka-EP Na Din Ako!
Magandang hapon po!!!
I'm sooo happy today! Yesterday, nag-warning si TM Anne na magba-butt spell ang hindi makaka-EP. Sa totoo lang, nakakahiya talagang mag-but spell lalo na kung hindi mo pa kilala karamihan ng mga taong nanonood sa'yo. Kahapon din, sobrang frustrated ako dahil bukod sa napakahirap makahanap ng RPC (right party contact), napakahirap din maningil ng mga utang! Ngayon naman, hindi ako nahirapan sa paniningil dahil naka-tatlong EP (express pay) ako, meaning, tatlong mababait na debtor ang nasingil ko sa mga pagkakautang nila. Yung first two EP's ko ay walang kapagod-pagod kong nakuha, samantalang yung pangatlo, ayaw pang magbayad at kung anu-anong explanation at rebuttals pa ang pinagsasabi ko, bibigay din naman! Sa mga ka-wave ko na kasabay ko ng shift, ako ang may pinakamaraming EP, followed by Rye & Mito with 2 EP's and Bernice & Mat with 1 EP each. Yung iba, sina Alvin, Cath and Zem, hindi sila sinuwerte ngayon. Sana naman bukas swertehin kami lahat dahil sa totoo lang, iba yung feeling kapag lahat ng ka-wave mo ay may EP, mas magaan sa pakiramdam.
Maganda ang naging performance ng Team Fantastics (team where I belong) kanina. Naka-48 EP's lahat ng agent ni TM Anne. Sa tingin ko ay happy din siya sa naging result kanina dahil kami 'ata yung may pinakamaraming EP on that shift. Hindi na nga natuloy yung butt spell since kaunti lang naman yung hindi naka-EP. May isa akong ka-team na mabait, si Ron. Sumabay siya sa amin kaninang lunch, nakipagwkwentuhan siya sa amin and marami din siyang advice. Mukhang mabait siya, actually, schoolmate ko siya sa Letran at kanina ko lang na-confirm nang tanungin ko siya. Friend pala n'ya si Mam Gie na naging friend ko rin dahil siya yung adviser namin sa LMS (Letran Management Society). Kay Ron ko din nalaman na Letranista din si TM Anne. Grabe, ang daming common things sa amin ni TM Anne. She worked for C-Cubed and now I've learned that she also came from Letran. Well, sana lang ay ma-impluwensiyahan 'nun yung pag-stay ko sa company since sinabi ni TM Anne na siya yung TM na may pinakamaraming na-terminate na tao, natakot talaga ako sa statement n'ya na 'yun. Ayokong maulit yung nangyari sa PayPal with SITEL. Sa Friday, may gimik ang Fantastics sa isang bar near ABS-CBN, hindi ko lang alam kung anong name ng bar. Of course excited din akong makilala pa yung ibang team mates ko!
Haaay, miss ko na yung ibang ka-wave ko, lalung-lalo na sina Mel, Khaye, Kuku and Mother Joanne! Mamaya magkikita-kita kami dahil 8PM-2AM shift nila.
After ng work, nag-stay muna ako sa ELJ Building dahil nag-text sina Ate MeAnn sa akin, gusto nilang mag-apply doon. Kasama n'ya sina Lorie at Alice. Nag-meet kami around 12 noon. Ayaw na nila sa Orchid, yung current employer nila dahil hindi raw maganda ang management doon. Hanggang ngayon nga raw ay pala pa silang ID kahit 2 months na silang nagwo-work dun, san ka pa!? Hallerrr!!! Hindi sila nagtagal sa RMH dahil pupunta pa sila ng HTMT para kuhanin yung mga back pay nila. Marami din silang pina-refer sa akin dahil nung nag-pass sila ng resume, may referral form na pinapirmahan yung guard sa akin. Halos dalawang referral forms yung nasulatan ko. Siguro around 17 lahat yun. Basta nilagay ko sa list (aside dun sa tatlo) sina Maynard, Jepoy, Maxene, Ate Hope, Brooke, Daphnie, Glenda, Wella, Ash, Lea at kung sinu-sino pa including Red na former applicant din sa RMH. Sana man lang ay may sumipot kahit sampu lang kapag interview na. I'm thinking positive about my referrals dahil lahat naman sila ay may call center experience na, and I'm sure, kayang-kaya nila 'yan. Ang masasabi ko lang sa kanila ay "goodluck"!!!
Anyways, mukhang humahaba na ang post ko na ito. Last but definitely not the least on my list, si Tere, na friend ko sa Letran at naging co-worker ko sa C-Cubed ay niyaya akong mag-Hong Kong. Through Friendster, nag-message siya sa akin and sinabi n'ya na kailangan n'ya ng kasama. Well, ang catch sa message na yun ay, ililibre n'ya ako ng 5-10 thousand pesos, san ka pa? Ngayon lang may nag-alok sa akin ng ganito considering na hindi kami masyadong close nung college since magkaiba naman kami ng course and may kanya-kanya kaming set of friends. Well, ang kailangan ko na lang ngayon ay makahanap ng bakanteng schedule para makasama ako. Hindi pa ako pwedeng mag-leave dahil bago pa lang ako sa work pero lagi namang 2 consecutive days yung rest day namin so hopefully, mahanapan ko ng schedule yung pagsama ko kay Tere.
O sha sha, bye bye muna dahil kailangan ko na ding matulog. Ciao!
3:11PM/October 17, 2006/Tuesday
0 Comments:
Post a Comment
<< Home