I Miss Badet!
Haller!!!
Parang hindi ko rest day ngayon dahil may pasok na agad ako mamaya. 2AM-11AM ang schedule ko mamaya kaya malamang, dalawang oras lang ang magiging tulog ko. Mamaya na ang start ng trabaho namin, magsisimula na kaming maningil. Medyo kinakabahan ako dahil sa totoo lang, wala ako masyadong naa-absorb sa training. Basta ang strength ko na lang sa ngayon ay yung experience ko. Hindi pa nga ako dinadalaw ng antok kahit medyo napagod ako sa lakad ko kanina, 'wag sana akong antukin mamaya sa shift.
Kanina ko lang kinuha yung passport ko sa DFA. Medyo nakakapagod dahil sa biyahe at sobrang init kanina. Tirik na tirik yung araw nung umalis ako. After ko sa DFA, pumunta ako sa Divisoria dahil bibili sana ako ng white or red na shirt kaya lang wala akong nagustuhan. May nabili ako kaya lang hindi naman siya white, medyo may pagka-cream or off-white yung kulay ng damit. May tatak pa nga na Pepe Jeans kaya obvious na fake siya pero ang cute ng pagkakatahi n'ya kaya ko binili. Kailangan ko ng white or red para sa okasyon bukas. Birthday ng tito ko, kapatid ng nanay ko. Sa restaurant gagawin yung event, hindi ko pa alam kung saan pero nire-require na magsuot ng red or white. Ano kayang significance nun? Long life kaya? 70 years old na kasi yung tiyuhin kong 'yun, "Sangko" tawag namin sa kanya dahil siguro siya yung pangalawa sa pinakamatanda or dahil siya yung pinakamatanda sa mga lalake.
Recently, mine-message ako ni Badet sa Friendster. Isa siya sa mga close friends ko noong college sa Letran. Isa siya sa mga nagturo sa akin mag-yosi at mag-bilyar. Nasa Thailand na siya ngayon at doon na siya nagwo-work sa isang hospital. Hindi ko pa alam ang work n'ya doon dahil nung maging magka-klase kami sa Letran, Computer Management ang course namin. Eventually, nawala siya at ako naman nag-shift ng Management. Miss ko na nga siya eh, madalas kami magkwentuhan dati sa telepono. Haaayyy, salamat sa Friendster at nagkakaroon pa rin ako ng contact sa mga long lost friends ko.
O sha, sleep na ako. Goodluck na lang sa buong Wave 14 ng GE Collections! Bye!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home