Thursday, September 21, 2006

A Better Deal From RMH

Haller!!! Alas nuwebe na ng gabi!

The past few days, medyo naging magulo ang isip ko kung ano ba talaga ang tatanggapin kong trabaho. May mga pending applications ako sa RMH at APAC. Kahapon, may tumawag sa akin from RMH para sa job offer. Pinuntahan ko kanina and unfortunately, nagkaroon ng massive system failure ang RMH kaya pati mga kontrata namin ay hindi nila ma-print. Maganda ang offer ng RMH, medyo malayo sa offer ng APAC kaya mas pipiliin ko na din ito. Sa APAC, binigyan nila ako ng 16 thousand with 100 pesos allowance per day, samantalang sa RMH, 18 thousand ang basic at may libre pang food every day, plus, nasa loob pa 'to ng ABS-CBN compound kaya medyo interesting din. Mas malapit na, mas mataas pa ang offer ng banker, etchoza!!! Final na talaga 'to, sana wag nang magbago pa isip ko! Tomorrow nga ay orientation na namin, around 8AM. Wish me luck!

Kaninang umaga, sobrang aga akong gumising dahil tinignan namin yung bibilihin na sasakyan ng Papa ko. Second hand na Revo, in fairness, maganda naman siya. Ibebenta na namin yung Mazda 323 namin ngayon tapos papalitan na ng mas malaki since mas maganda talaga kung mas malaki ang capacity, pwedeng-pwede na pang out of town. Siguro pag mayaman na ako, dun na lang ako bibili ng luxury car! Bwahahahahaha!!!

Grabe, buntis na nga ba talaga ang idol kong si Kris? Sinabi n'ya sa The Buzz last Sunday na 98% sure na buntis siya. Well, sana lang maging healthy ang baby n'ya, and sana, baby girl naman! Ang daming tanong. Will it be a boy or girl? Who will replace Kris on all her shows during her maternity leave? When will Kris and James wed? Will the wedding push through? When? Hay nako, sobrang daming tanong, pero isang tanong lang ang kailangang sagutin at ito ang, Kapamilya, Deal or No Deal??? Etchozzzaaa!!! Speaking of Deal or No Deal, naglaro kanina si Claudine Barretto, 10 thousand lang ang nakuha n'ya. Okay lang yun, mayaman na naman siya eh, she doesn't need the prize.

Matutulog ako nang maaga tonight dahil 8AM ang orientation ko bukas sa RMH. Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home