Remembering 9/11
Hello Philippines and hello world!
It's exactly 1:15 in the morning of September 12, 2006. Kakatapos lang ng September 11 dito sa Pilipinas pero ang Amerika ay nasa kalagitnaan pa lang ng date na 'to. Five years na pala mula nang maganap ang 9/11 tragedy. Natatandaan ko pa, that was the evening of September 11, 2001, habang kausap ko si Marvin Musni, classmate ko sa Letran napanood ko sa channel 2 yung footages ng pag-crash ng dalawang plane sa twin towers ng World Trade Center. That time, hindi ko man lang naisip na marami pala talaga ang namatay. Maybe because you won't actually see live people seeking for help. Ngayon ko lang na-realize na sobrang nakakalungkot talaga ang nangyari. Kanina sa CNN, nagkaroon ng flashback. Ipinakita lahat ng anggulo ng mga camera na nakatutok sa tragedy. Grabe, sobrang nakakaiyak talaga dahil makikita mo yung ibang tao na tumatalon na sa building para lang maisalba yung buhay nila. May recorder call pa from Rescue 911 pero wala silang nagawa. Sobrang nakakaawa yung mga tao na tumatawag. Alam nila na maaari na silang mamatay that time pero sinabi pa rin ng 911 agent na kailangan nilang mag-isip nang positive, pero kahit ganoon, wala pa rin silang nagawa. So sad! Ang galing talaga ng coverage ng CNN, ipinakita din nila yung nangyari sa Pentagon saka yung damages na nagawa ng plane na nag-crash sa Pennsylvania. Ano kaya ang gustong mangyari ng mga teroristang 'yan? They're soooo irrational! Hallerrrr!!! Another thing na nagustuhan ko sa presentation ng CNN ay yung part na ipinakita nila ang support ng iba't-ibang bansa after the tragedy. Ipinakita dun yung mga Muslim, Chinese, Arab, British at iba't-ibang nationality na nakiramay sa US. Nandun ang mga personalities like Queen Elizabeth, Tony Blair and the late Pope John Paul II.
Anyways, upon watching these footages really saddened my heart. What makes me more sad is my expulsion from PayPal. SITEL said that Donna and I will still need to finish the clearance process before we can re-apply for another project. They call it cut-and-rehire. Hay nako, pinaganda lang nila pero sa totoo lang, termination na 'yun. It's just that, pwede ulit kaming ma-hire. Hay nako, ayoko nang mag-SITEL. Mabuti pa, mag-a-apply na lang ako sa iba. Sa ngayon, I preferred RMH or IBM. Mas pabor sa akin ang RMH dahil sa ABS-CBN compound lang 'yun. Mas malapit dito, mas makakatipid ako sa pamasahe saka sa oras. Mamaya, pupunta dito si Red para sabay kaming mag-a-apply sa RMH.
O sha, byers na!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home