Monday, September 04, 2006

Pinya At Saging

Good afternoon sa inyong lahat!

Grabe, ang tagal ko nang hindi nakakapag-post dito sa blog ko. It's already September, di ko man lang namalayan. What's new? Finally, connected na rin ang Bayantel DSL ko kaya medyo mabilis na ang pagse-surf, pag-da-download at pag-a-upload ng mga pictures, videos, songs at kung anu-ano pa!

Last week at work, I've spent the rest of my days barging in with tenured agents. I've learned a lot from them, specially from Gemma. For me, she's one of the best agents of PayPal because it's all about the way she handles a call. The call flow is calm and proper even if the customer is very upset about the situation. There are some agents who are not really good in handling the call, they've even allowed cancellation of an account even if they're not speaking with the account holder which could be a ground for some corrective action. One thing I've noticed is how they commit grammatical errors. I admit that I'm not perfect when it comes to English grammar but howcome these agents cannot avoid or somehow minimize obvious mistakes. There must be something wrong. Well, that's just my observation, a constructive criticism. Please don't get mad, hehehehe.

O sha, tama na ang pa-English effect. Monday na naman at mamayang gabi ay papasok na naman ako! Ayoko munang pumasok, tinatamad pa ako. Bitin ang two days off!!!
Kahapon, umalis kami nina Red at ang mag-jowang Oliver at Mylene. Pumunta kami ng Eastwood. Kasama dapat namin si Tin kaya lang, for some reason, hindi siya nakarating. Manonood dapat kami ng "You Are The One" ni Toni Gonzaga and Sam Milby pero hindi na kami natuloy.


Kumain kami sa Fazolis. Grabe, nakakabusog. Dalawang slice ng pizza ang nakain ko, plus meron pang bread sticks na sobrang nakakabusog. After namin sa Fazolis, since hindi na makakarating si Tin, nag-decide na lang kami na pumunta dito sa bahay. Bumili si Mylene ng kulay pink na panty sa Bench. Dito na rin siya matutulog dahil may pasok pa siya kinabukasan. Nakita din namin si Maria sa Bench, sumabay siya sa amin pauwi. Nag-stay kaming mga forumers sa room ko, super forums and super chat sina Red at Mylene. Tinulugan ko na nga sila dahil sobrang inaantok na talaga ako.

Maaga kaming gumising dahil may pasok pa si Mylene. Around 6:30AM, umalis na kami ng bahay para kumain ng lugaw sa may kanto at para maihatid na rin namin siya sa EDSA dahil doon siya sasakay ng bus papuntang Cubao. Grabe, nang nasa EDSA na kami, ang daming tao. Buti na lang, after 10 minutes nakasakay siya ng FX hanggang MRT. From there, hindi na siya mahihirapang sumakay ng mga bus papuntang Cubao.

Nang pauwi na kami ni Red, namili kami ng mga fruits. Banana and pineapple ang binili namin. Sobrang na-inspire si Red sa magazine ni Kris Aquino kaya gusto na rin n'yang i-promote ang fruit diet. Nanood din kami ng "Click" ni Adam Sandler sa computer ko. Hindi maganda yung quality ng na-download ni JR kaya hindi ako masyadong nag-enjoy. Iba pa rin talaga kapag sa sinehan mo pinanood ang movie. Medyo ma-drama ang movie pero hindi ko na-appreciate dahil may kadiliman ang kopya ng na-download. Sa pagkakaintindi ko, ang movie na 'to is all about second chances. Kumbaga, sa buhay, there's no room for regrets. If you wanna be happy for the rest of your life, prioritize things that really matters!

Now, going back, natatawa talaga ako kay Red dahil sa kanyang blog post. Sabi n'ya, siya raw ay isang 'health buff chick', bwahahahahaha!!! Goodluck! Umalis siya dito around 3PM na. Ngayon, matutulog na ako dahil may pasok pa ako later.

Goodbye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home