Sunday, September 10, 2006

Hostel


Hello!!!

It's Sunday morning! Kakapanood ko lang ng "Hostel", movie 'to ni Quentin Tarantino. Grabe talaga ang movie na 'to, sobrang nakakadiri! Kung ang hanap mo ay yung tipong madugo, puno ng torture at medyo sexy, this one is for you! Mahilig ako sa mga tipo ng horror at suspense na movie pero iba talaga 'to. Sobrang nakakadiri, hindi ko ma-take yung ibang scenes. At first, puro mga sexual intercourse ang ipinapakita pero kalagitnaan, puro torture na ang gingawa sa mga tao. Kung anu-ano, may dugo, mga putol na daliri at meron pang lumuwa ang mata, yuck!!! Ang bida dito ay si Jay Hernandez. Naputol ang kanyang dalawang daliri dito pero okay lang dahil cute pa rin naman siya. Basta ang advice ko lang sa inyo, wag kayong manood habang kumakain, yun lang!

Mamaya, birthday na ng kambal ni Tere at Strasse. Sabay kami ni Dolly pupunta sa birthday sa Marikina. Magkikita-kita na naman kami ng friends ko sa C3. Haaayyy, miss ko na sila lalo ngayong alanganin ang status ko sa SITEL. Gusto ko nang bumalik sa C3 pero syempre, if ever man na babalik ako, ibang account na dahil hindi na uubra sa akin yung ganoon kababang sweldo.

Nung Friday night, nag-pass ako ng letter sa traiing department ng SITEL. Pinag-e-explain nila ako kung bakit hindi nila ako kailangang i-terminate. Hay nako, ewan ko ba! Ang naguguluhan na ako. Of course I'm still hoping na malipat na lang ng ibang account para naman hindi na ako mag-undergo ng panibagong application process. If ever naman na ayaw na talaga nila sa akin, may plan B naman ako. By Monday, mag-a-apply kami ni Red sa IBM sa Eastwood, wish ko lang ay mag-push through 'to!

O sha, hanggang dito na lang! Up to now 'di ko pa rin napapanood ang "You Are The One", hmmmmph!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home