Thursday, September 07, 2006

Shark's Fin, Squid Ball & Kwek-kwek

Haller!!!

Petiks day na naman today! Buong shift na naman kaming nakatunganga ni Donna. Hindi pa pala sure yung paglipat namin sa Capital One dahil kanina, pumunta kami sa Human Resource Department at sinabi nila na tanungin daw namin ang trainor namin. Paano kaya 'yun? Sabi kasi ni Jigz, HR raw ang magde-decide. Ano ba talaga? Naguguluhan na ako ha!!! Hallerrr!!!

Si Donna ngayon ang instant buddy ko dahil kaming dalawa ang laging petiks. Kasama namin si Sage sa shift pero hindi siya nakakasama sa amin minsan dahil nagko-call handling siya. Kanina nga tumatakas-takas lang kami saka nag-iinternet sa pantry dahil sobrang bored na kami. May time pa nga na nag-question and answer kami ala-beauty contest, ako ang nagtatanong, si Donna naman ang sasagot. Oh di ba ang saya? Hehehehehe... Hay nako, hanggang kelan kaya kami petiks, hindi pa nagko-confirm si Jigz. Sabi n'ya, ganoon pa rin daw ang schedule namin next week until further notice. Next week, kami na lang talaga ni Donna ang magkasama dahil si Sage ay makakasama na sa 9-6AM na schedule along with our batchmates. Hindi ko na na rin ma-access ang Webmail dahil tinanggalan na kami ng access sa Citrix, hmmmmph!

Kanina, puro street food 'ata ang kinain ko. Kung si Red ay isang health conscious na tao, ako naman ay hinde! Nung first break namin, kumain ako ng shark's fin na siomai sa pantry and nung uwian na, kumain kami ni Donna ng kwek-kwek at squid balls. Yung kwek-kwek ay yung itlog na pugo na may kulay orange na flour. In fairness, masarap siya. Plano nga namin tomorrow na kakain kami ulit doon.

Byers!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home