Irate Applicant In RMH Asia
Magandang gabi!
Inaantok na ako! Kailangan kong matulog nang maaga dahil susunduin pa namin bukas ang Papa ko sa airport. Tapos na ang maliligayang araw ko dahil nandito na naman siya. It's always like this, kapag dumadating siya, lahat kami dito sa bahay ay parang "end of the world" na, hehehehe.
Kanina nga, pumunta ako ng Makati para makuha yung latest certificate ng time deposit. Aside from that, nagpagupit na rin ako ng buhok. Mabuti na lang at may perang pumasok sa ATM ko, kung hindi, wala akong panggastos. Sa ngayon, hindi ako pumapasok sa trabaho kaya kailangan kong magtipid.
Kahapon, nag-apply kami ni Red sa RMH Asia sa may ABS-CBN Compound. Kailanman, hindi ko na-imagine na makakapag-work ako doon dahil marami akong naririnig na negative feedback sa company na 'yon. Nakapasa kami ni Red sa initial exam, yung listening exam. From 25 applicants, na-filter agad kami into 11. Second round is group interview. Sa kasawiang palad, hindi nila nagustuhan ang mga sagot ni Red. Sa totoo lang, nakakatuwa talaga si Red. Halos lahat ay naaliw sa kanyang mga kasagutan sa interview. Na-mention n'ya na gusto n'ya si Kris Aquino, nabanggit din n'ya na hindi siya mahilig kumain. Malamang, kaya hindi naniwala ang mga interviewer ay hindi obvious na mahina siyang kumain. Akala siguro nila ay liar si Red, bwahahahaha!!!
Now, going back, after ng group interview, individual interview na. Inoffer nila sa akin yung collections account for a credit card company. Mukhang mahirap ata yun pero bahala na. After ng initial interview, pinag-exam na naman ako at another round na naman ng kung anui-anong interview. Kung bibilangin ko, naka-tatlong exams ako at anim na interview. World record talaga ang RMH! Marami na akong na-applyan na call center dati pero hindi naman ganoon kahaba ang hiring process. More than 8 hours ang stay ko sa RMH, nakakaloka! Sa ngayon, pasado na ako, hinihintay ko na lang ang job offer at contract signing. Grabe nga kagabi, kung mayroong irate customer at irate agent, meron din palang irate applicant! Nakakaloka yung nangyari, nakipag-away yung isang lalakeng applicant sa mga recruitment personnel. Hindi ko alam yung reason pero hindi naman 'ata tama na makipag-away ka kapag hindi nakapasa sa application. Magaling mag-English yung lalake pero hindi ko alam ang reason kung bakit hindi siya natanggap. Gumawa talaga sila ng eksena sa recruitment area.
About SITEL, ayoko nang maghintay pa nang matagal para ma-transfer ng ibang account. Goodbye SITEL na talaga ako. Naisip ko rin naman ang advantage kung sa RMH ako magwo-work. Mas malapit na sa bahay namin and at the same time, may free food at free star sighting. If ever na dito ako mapupunta, magsasawa ako sa mga stars ng ABS-CBN, hehehe!!! My failure in getting on PayPal could be a blessing in disguise.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home