Freedom To Shake!
Magandang gabi po!!! Medyo inaantok na ako pero bago ako matulog, blog muna!
Since wala pa akong trabaho ngayon, dito lang muna ako sa bahay. Hindi umuwi today ang Papa ko kaya hindi na lang muna ako umalis, sayang lang kasi ang pera ko kung aalis pa ako. Bukas pa ako aalis para mag-ayos ng passport sa DFA and aayusin ko na din ang clearance ko sa SITEL.
Kinausap ko kanina yung isa sa mga umuupa sa apartment namin dahil 4 months na silang hindi nakakabayad. Ang gusto ng Papa ko ay paalisin na sila this Friday. Nakakaawa naman sila dahil wala pa silang pambayad. Iiwanan na nga lang raw nila yung refrigerator at aircon nila kaya lang hindi naman kailangan yun eh dahil may ganon na rin kami. Hindi sila nagbigay ng specific date kung kailan sila aalis at sinabi din nila na gagawan pa rin sila ng paraan para mabayaran ang mga buwan na hindi nila nabayaran. Hay, ang hirap talaga ng buhay ngayon, kaya lang, kami rin yung apektado kapag di sila nakakapagbayad dahil doon din kami kumukuha ng panggastos.
Nanood lang ako ng TV buong mag-hapon. Halos lahat 'ata ng primetime shows sa channel 2 napanood ko. TV Patrol, Kapamilya Deal Or No Deal, Super Inggo, Bituing Walang Ningning, Crazy For You at Pinoy Dream Academy. Grabe yung episode ng Deal Or No Deal kanina, umabot sila hanggang Php 999,999.00, halos isang milyon pero nauwi sa Php 50,000.00 ang laman ng briefcase. Sayang dahil it's a match between 50 thousand pesos and 2 million pesos. Sayang talaga, pero sabi nga ng mga kapamilya na contestants na okay lang. At least nag-agree silang lahat na walang sisihan. By the way, ang laman pala ng briefcase ng favorite kong si Charmel ay 200 thousand which is a good amount. Sa Pinoy Dream Academy, natanggal pala si Gemma nung Saturday. Well, ano nga ba masasabi ko? I don't care! Basta usapang Pinoy Dream Academy, wala ako masyadong alam. Ang alam ko lang ay cute si Jun Hirano, yung contestant na galing pa sa Japan. Ang cute talaga kasi n'ya! Another thing, kahawig talaga ni Pokwang si Rosita, yung galing ng Dubai.
Since napapadalas ang panonood ko ng TV ngayon, pansin ko lang na laging pinapalabas yung commercial ni Iya Villania ng Palmolive Anti-dandruff Shampoo. To the tune of "Bongga Ka 'Day", panay ang pag-shake ni Iya sa ulo n'ya, nakakatawa talaga! Ewan ko ba bakit ganon ang pinagawa sa kanya pero okay lang, I still like her, carry n'ya! "Freedom to shake!"
0 Comments:
Post a Comment
<< Home