Wednesday, September 20, 2006

My Passport Application

Haller!!!

Medyo pagod ako ngayon dahil nag-ayos ako ng passport at NBI kanina. Sa Department of Foreign Affairs ako pumunta, sa may Libertad sa Pasay. Sobrang gulo! Pagkababa ko pa lang ng taxi sa harap ng gate ng DFA, pinagkaguluhan agad ako at pinag-aagawan ng mga tao (feeling star!). Later on ko na lang nalaman na lahat pala yun ay mga fixers. Sa kanila ako kumuha ng application form at doon na din ako nagpa-picture. Ang mahal nga eh, Php150 para lang sa iilang passport size na picture. Anyways, okay lang yun dahil super accommodate naman sila sa akin. Ang haba ng pila as usual. Wala na 'atang government office dito sa Pinas na hindi box office ang pila. Super OA talaga! Kahit anong pag-oorganize ang gawin nila, hindi pa rin maayos yung process dahil yung ibang empleyado, kapag kakilala yung aplikante, hindi na pahihirapan pa sa pagpila. Leche talaga yung sistema nila, sumakit lang ang paa ko. Imagine, kailangan mong magtagal ng 45 minutes sa ilang pila para lang sa isang pirma??? Hindi naman nila chine-check, ang problema tuloy, sa last part kung saan nire-review yung mga files nung applicant, doon pa nagkakaproblema kaya kailangan pang bumalik nung applicant, kawawa naman. Mabuti na lang ako kanina, yung babae na nag-assist sa akin ay hindi mahigpit. Yung naunang tao sa pinilahan ko ay halos sigawan na n'ya, pero nung ako na ang nagpa-check ng mga papers, kinuha n'ya agad saka nag-issue ng receipt. Siguro na-intimidate s'ya saken! Bwahahahahaha!!! Sa totoo lang, hindi nga ako sure kung tatanggapin yung application ko dahil hindi naman valid ID yung ibingay ko. Binigay ko sa kanya yung temporary ID ko sa SITEL. Technically, hindi siya valid dahil temporary lang yun, and besides, inaayos ko na rin yung clearance ko sa SITEL.

Sobrang napagod ako sa DFA pero hindi pa rin ako natinag dahil after doon, pumunta naman ako sa Carriedo para sa NBI ko dahil ipinasa ko na totally yung NBI ko sa DFA, kailangan ko ng bago para sa bagong work ko. In fairness naman with NBI, halos 30 minutes lang ako nagtagal doon dahil kaunti na lang ang mga tao. Mas maganda palang pumunta doon nang bandang hapon para wala masyadong tao. Natatawa ako sa part na maglalagay na ng mga finger marks sa application. Sanay na sanay na yung mga lalakeng kumukuha ng kamay tapos isa-isang lalagyan ng tinta yung daliri mo tapos ima-marka na dun sa application, bwahahahahaha!!!

After ko sa NBI, namili naman ako ng mga pirated DVD's sa loob mismo ng building kung saan nandoon yung NBI. 4 movies and 2 concert DVD's ang nabili. Nakahanap ako ng "VH1 Divas Live" and "VH1 Divas Las Vegas". Favorite ko yung una dahil yun ang first time na nagsama-sama yung mga magagaling na female artists that time. Yung 4 na movies naman ay yung "Final Destination 3", "See No Evil", "Mortuary" and of course, "The Devil Wears Prada". Sorry na lang talaga kung pirated ang binili ko, mahal naman kasi yung original, and yung iba, hindi naman available sa mga record bars.

O sha, I'll go ahead. Ciao!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home