Tuesday, September 26, 2006

Amazing Race Sa RMH

7:30PM na at kulang pa yung tulog ko kanina, pakshet!!!

Ang saya nung first training day namin sa accent. Ang trainer namin ay si Joan at may assistant siya, si Roch. Sa tingin ko, mas magagaling pa rin ang mga trainers namin from TeleDevelopment compare sa trainer ko ngayon. About similarities, madalas din magpa-game and parang sa product training ko sa PayPal, may mga teams din at nag-a-accumulate din yung mga points ng mga team. Ang pinakamasayang part ay yung amazing race namin dahil medyo nakakapagod siya. Sobrang pisikal ang laro na yun. Kung saan-saang department kami nagtatatakbo at nagkukuha ng mga information. Hindi ko alam kung anong standing ng team ko pero ang alam ko, ginawa namin lahat para maging accurate yung mga sagot namin.

Kung sa SITEL, ang pangalan ng team ko ay Team Mulmul, dito naman sa RMH, ang name ng team ko ay Mighty Ducks. Majority sa team namin ay mga oldies na. Ang mga ka-team ko ay sina Kuku, Joanne, Mito, Mat, Duane and Gia. Ang mga bata-bata lang sa group namin ay sina Kuku, Mat and yours truly. Nakakainis yung team leader namin, si Mito, parang gusto n'yang solohin lahat ng trabaho kada may mga games. Siguro siya yung pinakamatanda sa group namin and kaya siguro ganoon na lang kalakas ang leadership skills n'ya ay dahil professor siya. Medyo marami nga sa mga ka-team ko ang naiinis sa kanya dahil sobrang bida-bida.

Anyways, naging ka-buddy ko na sina Khaye and Mel. Kami lagi ang magkakasama tuwing breaktime. In fairness naman sa kanila, ang saya nila kasama. Aliw na aliw ako sa kanila lalung-lalo na kay Mel dahil siya ay isang pa-girl. Ang real name nya ay Melchor! Hehehe... at dahil d'yan, I need to go na coz I wanna sleep for at least an hour, ok? Ciao!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home