Saturday, September 23, 2006

Zsa-Zsa Zaturnnah!


Good evening everyone! Como estas? Muy bien gracias! Etchoza!!!

Kaninang umaga, binayaran at kinuha na rin ng Papa ko, kasama ang cousin kong si Kuya Ruben and my brother JR, yung second-hand Toyota Revo na kulay wine red. Pagkauwi ng sasakyan, pumunta kami ng Makati pero wala naman sina Tita Linda and Lola Meding kaya umalis din kami agad at nag-grocery sa SM Hypermarket sa SM North.

Grabe, sobrang napagod ako kanina dahil pinag-ayos ako ng mga gamit sa garahe namin para mapagkasya ang dalawang sasakyan. In fairness, malaki pa naman ang space kaya kasya pa ang dalawang sasakyan. Anyways, kahit pagod ako, iniisip ko na lang na may powers ako para kayanin lahat ng inuutos sa akin ng Papa ko. My gosh, kahit 24 years old na ako, basta Papa ko ang nag-utos, sunod pa rin ako, hmmmmmph!!! Hallerrr! Wish ko lang ay may powers ako tulad ng kay Zsa-Zsa Zaturnnah!

Speaking of Zsa-Zsa Zaturnnah, bumili ako ng collected edition ng Zsa-Zsa Zaturnnah comics. Ang full title ay "Ang Kagila-gilalas Na Pakikipagsapalaran ni Zsa-Zsa Zaturna. Ang gumawa nito ay si Carlos Vergara. Ang cute ng comics. Mababaw lang ang story pero hindi boring. Ang ganda pa ng graphics. Sobrang nakaka-relate naman ako sa mga terms na ginamit ng author, hehehe. Panalo talaga ang book na 'to! Sa ngayon, nasa last chapter na ako ng pakikipaglaban n'ya sa mga Amazonistas. Gusto ko na siyang tapusin mamaya. Sulit talaga ang pagkakabili ko dito kahit medyo may kamahalan siya.

Congratulations nga pala sa San Beda Red Lions, they won the NCAA Championship! Happy birthday na rin pala kay Myra, long time friend since highschool!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home