Sunday, September 24, 2006

Medical Exam Sa Healthway


Haller!!!

Sobrang antok na ako pero hindi pa ako pwedeng matulog dahil may buwisita ako dito, si Red!!! Galing kami sa Club 650 sa Libis dahil nanood kami ng laban between ABS-CBNi at Aetna. Ang ganda ng laban kanina, halos napaos na ako sa kakasigaw at kaka-cheer sa kanila, samantalang 'tong si Red ay pa-demure lang at kunwaring nag-chi-cheer sa tabi, hmmmmph! Twice to beat ang kalaban. Hindi na namin naabutan yung first match, sa second match na lang kami umabot. Grabe, pagod-paguran ang mga players ng parehong team and fortunately, nanalo naman ang ABS-CBNi. Congratulations! Championship na sa Sunday.

In fairness, kahit mga nagsipag-resign na kami sa HTMT, nandoon pa rin kami para sumuporta sa kanila, nandoon din sina Blue at Anthony. I hope na maraming pumunta sa laban next Sunday para full support.

Bago pala kami nagpunta sa Club 650, nagkita kami ni Red sa SM North EDSA dahil nagpa-medical exam pa ako sa Healthway sa ground floor ng SM Annex. Grabe, ang tagal kong naghintay. Kulang pa ako ng stool sample kaya kailangan ko pang bumalik tomorrow. Ang kinatatakutan ko lang talaga doon ay yung pagkuha ng maraming dugo sa arms saka yung physical exam. Buti na lang magaling yung kumukuha ng dugo, todo suporta s'ya sa akin, hindi naman pala talaga masakit. Yung urine sample na binigay ko ay sobrang dilaw dahil hindi pa naman 'ata ako nakakainom ng tubig, puro gatas lang, hehehe. Yung doctor naman na nag-physical exam sa akin, pinahiga ba naman ako at pinaghubad ng pantalon at underwear, nagulat talaga ako, pero no choice talaga, hmmmmph! Sobrang natatawa talaga ako paglabas ko ng examination room. After ko magpa-medical exam, bumili ako ng blue polo shirt sa Blue Soda, medyo pang-cowboy yung style ng polo pero ang cute n'ya!

Haaay, sobrang pagod na talaga ako. Tomorrow, first day high na sa RMH! Goodluck sa akin!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home