When It Rains, It Pours!
Hi! Good eveing! October na pala? Super miss ko na ang pagba-blog! It's like ages since I last updated my blog (pa-sosyal mode), etchoz!!!
Anu-ano nga ba ang meron sa akin ngayon? Hmmmm... ang daming bago! From Monday to Friday ay nag-train kami ng accent under Joan Peterssen, at yung assistant n'yang si Roch. Okay naman sila pero mas nagagalingan pa rin ako sa mga trainers ng TeleDevelopment. Very specific sila sa pronunciation ng mga English words and names, at mahigpit din sila sa pagi-implement ng English Only Policy. Si Joanne nga, nabigyan agad ng citation for speaking a single Tagalog word "ano", san ka pa!? Lahat kami sobrang kinabahan nung assessment day namin nung Friday. Hindi naman pala siya ganoon kahirap, after all, ang inevaulate lang naman talaga nila ay yung mga natutunan namin sa Accent Training. Highest sa call simulation sina Gia and Matt. They both have perfect score, ako naman, isang mistake lang so lumalabas, second placer ako! Bwahahahaha!!! Sobrang enjoy yung training namin lalo na kapag nagkakaasaran na. Madalas nagkakatawanan kapag si Mel na ang nasa usapan dahil bininyagan ba naman siya ni Matt as Ciara Sotto look-alike. Jim Carrey bansag nila sa akin dun, ewan ko ba kung saan napulot ni Matt yun, pati tuloy yung mga trainers uma-agree dun, hmmmmph! John Llyod Cruz naman ang binansag ko sa kanya para ka-loveteam ni Ciara Sotto, bwahahahaha!!!
Last Thursday, nagkaroon ng super typhoon, Typhoon "Milenyo" or "Xangsane" (international name). Grabe, sobrang lakas ng bagyo na yun. Nagawa pa naming mag-mall that time kahit sobrang lakas ng hangin. Yung mga poste at barricades ng MMDA ay nagsisitupian na at yung mga punong malalaki ay nagtutumbahan. Sobrang lakas talaga ng hangin. Nung napanood ko nga sa TV Patrol, may truck pa na tumumba at may pader pa na bumagsak dahil sa bagyo. Nawalan kami ng kuryente, telepono, DSL at cable, mabuti na lang hindi nawalan ng tubig, charoz!!! Super dooper sa lakas talaga, as in, pero kahit na bumabagyo, kinailangan ko pa ring pumasok sa training, grabe!!!
Nung Friday naman, nag-date kami ni Tyrone, yung fiance ko sa Multiply. Friends na rin kami dito sa Friendster. Nanood kami ng Fly Boys and kumain sa McDonald's. Well, ano nga bang masasabi ko? It's my first time to go out on a date. Wala pa akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay-bagay hehe. Nag-start siyang mag-text sa akin nung Tuesday. Sa ngayon, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Mukhang naging cold na siya sa akin since hindi ako nag-rereply sa mga texts nya. It's all my fault! Waaaahhhhh!!!! Well... I'll fix it soon.
Kahapon naman, kasama ko ang mga forumers. Nanood kami ng First Day High sa Megamall. Sobrang daming people! Kasama ko sina Red, Oliver, Mylene, Isko, Onin, Jay, Blue at Jepoy. Hindi ako masyadong naaliw sa movie. Parang pang-TV lang ang story n'ya. Masyadong naging OA yung paggamit nila ng colors sa movie. Kapag red ay sporty, pag yellow ay brainy or nerdy, pag blue ay nice, pag violet ay sozy then pag black naman ay rebel. Siguro bawal magsuot ng green, brown, pink at white sa school na yun? After namin sa Megamall, nagpunta kami sa Eastwood, kami nina Red, Jay, Jepoy at Nos. Uminom kami sandali sa Jack's Loft. Habang nagchichikahan kami, biglang nag-ring yung phone ko, akala ko kung sino na, si Fesoj pala. Yung friend nila Errol at Jam from Teletech. Naku, nirereto nila sa akin yung taong yun. Sa totoo lang, confused na ako sa kahahantungan ng lovelife ko. "When it rains, it pours" sabi nga nila. Halos magkasabay pa sila ni Tyrone! Si Vada naman, yung co-trainee ko sa RMH, gusto n'ya pa akong ipakilala sa brother n'ya. Ano ba talaga??? Ngayon lang 'ata naging ka-komplikado.
Anyways, happy thoughts na lang muna. Kanina, last play na ng ABS-CBNi sa C3 dahil mawawala na ang account by January 2007. Sobrang frustrating dahil natalo sila ng Sony pero okay lang dahil makikita mo pa rin yung support ng mga ex-employees. Nakakagulat yung appearance ng iba. Nakita ko pa dun sina Abet at Kruschev! Pagdating talaga sa support, number one pa rin ang ABS-CBNi! Unfortunately , hindi na ako nakasama sa inuman nila dahil kailangan kong umuwi nang maaga dahil iba na ang shift ng training namin, from 6AM-3PM na. Bago pala ako umuwi kanina, dumaan muna kami nina Monet, Daphnie at Red sa Eastwood. Binilihan ko ng crying doll si Guada, yung anak ni Monet na inaanak ko. Medyo may pagka-maarte kasi 'tong Monet na 'to, kailangan crying doll pa, ayaw n'ya nung laughing doll, hmmmmmph!!!
O sha, alis na muna ako! Ang sakit na nga kamay ko sa kaka-type. Sana maging maayos ang lahat.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home